ding reyes books
DALOY--Tulambuhay ng Taga-ilog 1. Tangan ng inyong / maliliit na kamay, Munting mga bandila’y / iwinawagayway, Sa panahong marami / tayong nagpupugay Sa dakilang mga bayaning / inialay ay buhay.
3. Nene at Boyet, / mahalagang makita Ang kaaya-aya / kahit mahabang istorya, Kung ang batid lamang / ay mga eksena, Kadakilaan ng bansa, / ay di natin kilala.
5. Kung ating makita / nang may sapat na linaw, Kung ating pagkaunawa / ay di nga mababaw, Pansin sa detalye / ay di makakasapaw, At tunay na liwanag / sa ati’y tatanglaw.
7. Ang bawat munting agos / ng batis na tahimik, Ay dugtong sa mga alon / ng buong daigdig. Ang tubig ng bawat ilog / na sumasanib sa dagat Ay maaaring matikman / at makilalang sapát.
9. Katangian ng tubig / na sa dagat ay sumasama, Makikilalang ganap / kung landas niya ay makita. Ang linaw, ang lalim, / ang bilis ng pag-agos, Pinagmulán ay lingunín, / nang maunawaang lubos.
11. Buntong-hininga / kung susuriin naman, Ang batayan pala’y / maikling panahon lang; Kung bakit ba kasi, / paglingon sa nakaraan, Natatanaw lamang, / pagtuklas daw ng dayuhan.
14. Isang balik-aral / ay gawaing makabubuti, Alamin ang katangian / nitong lahing bayani Maraming mga aral, / inspirasyon ang maaani Kung ang ating gagamiti’y / pananaw nating sarili.
16. Alin pa nga bang lahi / dito sa pinangalanang "Malayong Silangan" / ang unang nakaalam Na mayroon palang / puting mga dayuhang Ang hanap ay dambóng, / hindi kalakalan?
18. 19. Pitong libong pulo / itong ating tahanan, Matagal naging sagana / sa likas na kayamanan, Mabundok, magubat, / maraming katubigan, Labis-labis na bumuhay / sa ninirahan.
21. Nagtamasa tayo / ng lupaing mataba, Sa putik ng bulkan / pa nga nangagmula. Sari-saring puno, / ating inaruga, Hitik sa mga bunga, / walang pagkabalisa.
23. Sa piling ng tubig, / piniling manirahan Ng mga pamayanan / sa buong Kapuluan, Taga-iba’t ibang / pulo ay nag-ugnayan, Tumawid sa mga dagat / sa pagi-pagitan.
24. Ang ugnayan ng baybay / sa mga kaparangan Ay dumaloy sa agos / ng mga kailugan; Sa ilog naglandas / ang mga paglalakbay Sa ilog nagmula / ang maraming ikinabuhay.
26. Mahuhusay nga tayo / at ubod ng sipag, Kahit kabunduka’y / itinuring na patag Inukit nating tunay, / ginawang hagdan-hagdan, Sa matarik ay lumilok / ng mga palayan!
28. Ganitong pagsasanib / sa sari-saring paggawâ, Tulung-tulong humarap / sa pasanin ng kapwŕ, Malinaw itong ugali / ng kadakilaan— Taga-ilog ay bayani, / tayo’y nagbayanihan!
31. Ganda ng kalikasan / ay ating sinaliwan Ng ugaling mainam / ng nananahanan. Buhay nati’y awit / ng pagmamahalan, Paglikha, karangalan, / at pagbibigayan.
33. Tayo’y matulungin, / mapagbigay, mapagtiwalŕ, Matiisin sa hirap, / sa bukas, may pag-asa, Madaling magpatawad / sa mga nagkakasalŕ, Para sa kaisahan / ay handang magparayŕ.
35. May mga nag-akalang / tayo ay mahina, Di nababatid na / ang dahilan palâ, Kahit di-binyagan, / ano ngang himala! Hininga ay pagsambá, / kaytayog ng diwa!
37. Sa daloy ng buhay, / nakalikaw ang sining— Paggalaw, paghinga, / pagtulog, paggising, Umawit, sumulat, / kumatha’t sumayáw, Kailanma’y di palabas; / ang diwa’y umaapaw.
39. Kahima’t iba-iba / tayo’y nabuklod ngâ Ng pakikipamuhay / at galang sa isa’t isá. Hindi minahalaga / ang kulay ng balát Sa katauha’y tunay / pantay nga tayong lahát.
41. Di tulad ng kalagayan / nilang lahat ngayon— Hinhamak, inaapi, / at idinedekorasyon. Itinataboy sila mula / sa mga lupang ninuno, At ang diwa nila’y / patuloy na sinusugpo.
43. Ganap ang taimtim / na pagpapahalaga Na bawat salinlahi ay makakilala. Makaunawa, at / matiyagang magpasa Sa daloy ng kasaysayan / nilang sama-sama.
45. Sari-sariling awit / at tula ang nililok Ng mga Taga-ilog / sa mga pulo’t pook. Halimbawa’y kay Lam-ang / ng mga Ilokano Hud-hud ng Ifugao, / Ibalon ng Bikolano.
48. May sayaw na pasalamat / ng mga biniyayaan, May sayaw muna bago / sumulong sa digmaan Iba pa ang sayaw / matapos magtagumpay, Mayroon ding pamamaalam / sa mga namatay.
50. Tunay ngang sining / nila’y napakayaman, Hindi madaling / maunawaan ng dayuhan; Masinsin pa man nila / itong pag-aralan, Wala rin, kung hindi / kikilalanin ang lipunan.
52. At ang mga wikang / taál sa ninunong dila , Ay ganap sa yaman, / sa ayos, sa ganda, Maipagmamalaki natin / sa may ibang wika, Kahit di man humiram / ng salitang banyagŕ.
54. Ang hiwa-hiwalay pang / mga pamayanan May mga kaluluwang / nagmamahalan, At ang panlipunan / nating pag-uugnayan Ay dumadaloy sa ilog, / iba pang katubigan.
56. Tagalog, Tausug, / Ibanag, taga-Agusan, Sugbuhanon at Subanen, / Ilokano, Kapampangan, Na karamihan ng bayan / ay nasa kailugan, Mga pangalan nila’y / magkakasingkahulugan!
59. Tahanan ng lahi / atin noong pinagyayaman; Kaloob ng Maykapal, / pamana ng magulang, Bumubuhay sa lahing / noon at kasalukuyan, Nang mga darating pa’y / mayroong maaasahan.
61. Katunayan ay nakayakap / ang ganitong ugnayan Sa lahat ng kapatid, / at iba pang nilalang. At ang pagturing sa / mahal na Kalikasan Salamin ng Maykapal / at Kanyang luklukan.
63. Dito’y nakaugat / marahil kung bakit Minamabigat natin / ang pagbibigay-pasakit Sa sinumang kaluluwa; / matimbáng itong higít Sa pasakit sa katawan, / kahit ito’y mamilipit.
65. Katunayan, mga kalakal / ay iniiwan lamang, Nang walang tumatanggap, / sa dalampasigan; Pagbalik ng maniningil, / ating naging palakad, Laging sapat, o labis, / ang ating ibinabayad!
67. Di pa man nagaganap / yaong pagbubuklód Ng mga pamayanan / sa Kapuluang Taga-ilog, Diwang mapagkaisa, / tunay ngang umabot Sa pagkakapatiran / at kalaliman ng loób.
69. Ganoong tunay / na katangia’y mainam Kaysa naman huwad / na pagsasamahan Bago makamit / ang tunay na kahinugan At isang pagsasanib / ay ipilit na lamang!
71. Bago nga dumating / at matuklasan natin Mga dayuhang puti, / matatangos at balbasin, Naparito muna’y mga / kapatid nating Muslím Na relihiyong Islam / ang dasal at pangilin.
73. Doon sa dakong timog / ng kapuluan nanirahan Yaong mga Muslim / sa sagana’t kapayapaan May kaunlaran na / ang kanilang kakayahan Sa maunlad na kabuhayan, / gayundin sa digmaan.
75. Tulad ng mga lumad / at iba pang Taga-ilog, Mga Muslim ay taimtim / sa diwang matayog Kanilang relihiyon, / isinabuhay at dinibdíb Matapos yakapin / nang walang namimilit.
77. Maraming libong taon / na namuhay nang payapŕ Ang ating mga ninuno / bilang Lahing Dakilŕ Kalahating milenyo / pa lang ang nagdaraán Nang tayo’t puting dayuhan / ay magkatuklasán.
79. Dahil sa ganitong / nabuong katangian Tayo ngayon / ay pinatutungkulan; Wika’y "Tayong Pilipino / ay talagang ganyán!" Dapat ngang ilinaw, / "Nagkaganyan lang!"
81. Bakit nangyaring / ang nasok lang sa alaala Tuwing nililingon / kasaysayang lipás na, Ang pangyayaring / inaakalang unang-una, Pagtuklas daw sa atin / ng mga banyagŕ? 82. Likas ba sa ating lahě / pagiging malilimutín O labis lang magpahalaga / sa mga nang-alipin At libu-libong taon / kung ating tukuyin Ay panahon lamang / bago sila dumatíng? 83. Sa katunayan naman, / hindi natin masisisi, Kung iisiping mabuti, / ang ating sari-sarili, Mahabang kasaysayan / nitong Dakilang Lahě Ay binura ng mga among / magkasunod na nagharě.
85. Saan ang unang misa? / Di gaanong mahalagá. Gayundin ang iba pang / mga detalye, mga petsa, Ang tunay nating / karapatdapat isinasaulo— Tapang nina Lapulapu, / bunga’y kalahating siglo.
87. Kanilang pininsala, / nakasulat na kasaysayan; Mapanganib daw iyon, / di nila maunawaan. Mahahalang sulatin / sa pamahalaa’t panitikán Sinira, sinilabán, / likha raw ng Kadiliman!
89. Bininyagan ang mga tao / pati ang kapuluán Na kanilang kinamkam / bilang ari-arian; At ang naisip ipangalan / ay katagang Pilipinas, Ari-arian ni Felipe / ang haring talipandás!
91. Ang unang binansagan / bilang "Pilipino" Ay mga Espanyoles / na isinilang dito. Mga lahi ay naghalo / nagkaroon ng mestiso Dahil sa tangos ng ilong / ay di na rin "Indio."
93. At ganap na natabunan, / malalim na katotohanan Sa pagkakatulad at ugnayan / ng mga pamayanan, Maganda sanang ipangalan / sa atin at kapuluán Ang buháy nating dugtungan / sa daloy ng kailugán. 94. Ang mga Taga-ilog / ay likas namang banál, Madasalin at taimtim / sa mga bagay na spiritwál, Ito’y sinamantala / sa relihiyong dala-dalá Ng mga dayuhan / nang makapaghari silá.
96. Siya raw na alagad / ng Simbahang Romano Ay luklok ng Maykapal / sa hawak niyang pwesto; Palibhasa’y nag-iisa / siyang Kastila sa distrito, Pasya niya’y tinangkilik / ng Simbahan at Estado.
98. Matinding trabaho’y / pilitán at walang bayad Ipinataw sa ‘Indio’ / bilang tungkuling panlahát, Ito raw ay isang uri / ng singíl na buwis; Ikukulong, ipapatapon / sa malayo ang tatalilis.
. 100. Ang siningil na bayad, / naging madalás, Sa anyo ng palay / na lamang kinaltás. Sapagkat magsasaka / ay palagiang dinadayŕ, Silang nagpapalamon, / mahapdi ang sikmurŕ.
102. At ang mga pistahan / ng mga ninuno natin Ay hinatak na gawing / mga pistang pangilin. Ngunit sa katunayan, / mayro’n silang layunin Na hawakan ang madla, / at sa serbisyo’y singilín. 103. Anupa’t naging mabunga / ang ganito sa bulsá Ng mga makapangyarihang / nakasuót ng sutana. Pag ang prayle’y kararating, / siya’y payat at maputlâ, Dahil nga masibŕ, / pagtagal, "Prayleng Tabâ"!
105. Matagal na panahong / Taga-ilog ay pinigilan Na umangát bahagya man / ang katayuan sa lipunan. Kaya nang maganap / na ang ‘Indio’ ay maghangád Na sila’y maging pari, / ang sagot ay "Di dapat!"
107. Tumatanggap ng alay, / at pinagsisilbihan, Sa mahahalagang okasyon, / laging inaanyayahan; Hinahagkan sa kamay, / at laging binubusóg, Sukli raw sa sakripisyong / pumarito’t maglingkód.
109. Ngunit dumaming mabilis / ang mga parokya At kapos sa mga paring / gagawing mga kura Kaya’t mga mestiso, / pati na ang ilang ‘Indio,’ Ay tinanggap bilang pari / matapos magseminaryo.
111. Samantala’y mga sentro / lamang ng mga pueblo Ang tunay na nahawakan / ng simbaha’t gobyerno. Kalooban ng karamihan / ng mga Taga-ilog Sa kanilang mga kamay / ay di lubos na nahulog.
113. ‘Encomienda’ ang tawag / sa ganong lupaín, Sa ani ng magsasaka’y / ginawang kaltasín: Kaban-kabang palay, / mga hayop at gulay, Sa sari-saring batás, / sapilitang inagaw.
115. Sa nagkasala’t binintangan, / parusa’y malupít, Kung sangkot ang prayle, / ito’y sukdol ng bagsík, May pinapatay o kaya’y / nilalatigo, ‘kinukulóng, Sa malalayong pook, marami ang ipinapatapon.
117. Maraming pag-aalsa / ang naganap sa kapuluan, Ang mga magbubukid / ay magiting na lumaban. Iba’t iba ang namuno / at titis na nagpaliyáb Ngunit lahat ay nabatay / sa sikmurang humihiláb.
119. May kadalasan din naman / na namatay ang taniman, Nang hakutin ng ‘polo’ / ang mga maglilinang. O sa pag-iwas sa parusa / ay kanilang iniwanan, Mga kaanak at lupa / na pinag-ugatán.
121. Sari-saring sakit, / walang lunas at papalubhâ, Lumaganap sa kabayanan, epidemyang malalâ. Panggagamot ng babaylan / na dating naaasahan, Ipinag-utos ng mga prayle / dapat daw na iwasan.
124. Sa kaluluwang banal / ng ganitong yumao, Malupit na ipinataw / ang pang-iinsulto, Malayo sa tunay / na ugaling Taga-ilog, Na sa mga yumao’y / nagtutuloy ang pag-irog.
126. Ang dating kapanatagan / ng mga pamayanan Ay nangyaring halinhan / ng matinding agam-agam, Ng mga pagtatangisan / at pagtatagu-tagň. Sa kawalang-katarungan / ay dumanak ang dugô.
128. Namuno si Dagohoy / sa Bohol sa Kabisayaan, Walumpu’t limang taong / mayroong kalayaan, Matapos magapi roon / paghahari ng dayuhan Na patuloy na nanaig / sa kalakhan ng kapuluan. 129. Pag-aalsang Ilokanong / may kasamang Tingguian, Isang mag-asawa / sa pamumuno’y nagdugtungan, Ang una ay si Diego / at isa pa’y Gabriela Silang Na sagisag at huwaran / ng babaeng matatapang!
131. Dahil tapat sa Simbahan, / pinagsumikapan ni Pulę Na ipataláng maayos / ang Kapatirang San José, Ang kura paroko nga mismo, / sa kanila’y nagmimisa, Binabayaran naman ng / ambag-ambag na halagá.
133. Kaya’t kahit maralita, / kasapian ng Cofradia, Kusa ang pag-aambag / sa napalaking halagá, Higit pa sa ibinubutaw / sa "inang simbahan" Ng puro naman banyaga / at mga mayayaman.
135. Sa matinding hinala / lubos na ibinatay Ang sa Cofradia’y / madugong pagsalakay, Daan-daang buhay / ang sabayang inutás Nang lusubin at magtanggol / ang bayang Tayabas.
137. Ganap na nga sanang / nagapi at napalayas Ang mga Espanyol / sa tinatawag na Pilipinas, Kung nagawa lang sana / ng mga nangag-alsá Ang magsanib-lakas, / magbuklod, magkaisá. 138.
139. Kahit maharlika, / kung matagal na maalipin, Ay masisira ang asal / at karangalang angkín; At may bagong mga ugali / na dito’y lumaganap— Pagtataksil sa kapatid, / panlalamang. pagpapanggáp.
141. Sa ganitong kalagayan, / yaong lahing Taga-ilog Ay napaglaban-laban, / sa panghahati’y nahulog, Ito ang ibinunga / ng patakarang kolonyál— Sa sariling kapatid / si Cain ay may punyál.
143. Nang bumaba ang asal / ng mga tagarito, Sa isa’t isa’y hindi na / makapagbigay ng respeto. Sa mapag-ugnay na mga agos, / mga ilog ay patuloy, Ngunit kawing ng pagkakaisa’y / nabarhan sa pagdaloy.
145. Pagkakaisa’y matinding / napipinsala na Nang maganap at mabigô / ang mga pag-aalsá, Kaya’t walang dahilang / pagbuntunan ng sisi Mga namuno’t nagsulong— / sila’y mga bayaně!
147. Angking katalinuhan, / natutunang abilidád, Ay ginamit sa dayuhan / sa paraang di-lantád; Kaya’t habang inaakala / ng gobyerno’y sakop niya, Ang mga lupaing ito’y / nananatili palang malaya.
149. Mayroong mga asyendang / sa mga dokumento Ay nagawa nilang / kumpleting-kumpleto. Akala ng dayuhan, / kanyang nakamkam Malaking parte ng ani, / pala’y katitíng lang!
151. Mga rebulto ng santó / ay ating dinasalán, Nang sa buhay ng mga ito’y / wala tayong alám. Ginawa pala nating / sagisag lang ang mga iyon Ng tunay nating iniisip, na sariling mga poon. 152. Yaong mga lupang / akala lamang napagharian Ng palalong dayuhan, / Europeong gahaman, Yaong mga lupain / na tunay na nasakop Ay nanatiling malaya, / di man lamang napasok.
154. At sa pangalawang / pinakamalaking pulô, Paghaharing Espanyol / ay di rin nakaupô. Buwan ng Islam / at Kris ng pakikibaka Ang ’tinapat ng Mindanaw, / sa Krus at Epada.
156. Si Padre Pelaez, / at si Padre Burgos, Ay mga paring Pilipino / na syang nagbuhos Ng matinding sipag / at pagpupunyagî Upang paring katutubo’y / maalis sa pagkaduhagě.
158. Itong si Padre Burgos / at dal’wa pang saserdote Ang idiniing may-utos / ng pag-aalsa sa Cavite. Sa Luneta iginawad / ang parusang kamatayan, Sa kabila naman nito’y / lumakas pa ang kilusán!
160. Alaala ng mga martir / na nakilalang Gom-Bur-Za, Tumalab sa kamalayan / ng sumunod na dekada. Nang ating mga ninuno’y / magkaroon ng kakayahan Upang mga anak nila / ay mangibang-bayan.
162. Inako nilang gawain / ay bigyang-patunay Na ating lahi, / sa Espanyol ay kapantáy. Kung pag-uusapa’y / kakayahan sa kaisipan, Ganap ang kaalaman / sa maayos na kabihasnan.
165. Tumampok noon, / mga pangalan nilá— Rizal, Plaridel, / Lopez-Jaena’t mga Luna Walang kapaguran / silang nagtaguyod, Sa pag-aangat ng bayan / sila’y naglingkod.
167. Mangyari pa nga, / may dalawang nobela Na ibayong nagpaapoy / ng makabayang diwa, Ang sumulat nito’y / si Rizal na laong-laan. Handang maglingkod, / hanggang kamatayan.
169. Inilantad ng Propaganda / ang mga pang-aabuso, Ng mga prayleng malakas, / lalupa’t kura-paroko. Kung wala raw mga repormang / dito’y susugpô, Ay di na maiisawan / ang pagdanak ng dugô.
171. Lipunan ng Espanya / sa pamamahayag ay malaya, Ngunit di naman ganap / na nagbigay ng halimbawa Sa pagbibigay-daan / sa mga kahilingan Na magreporma sa palakad /dito sa Kapuluán.
173. Kahit mapanganib, / si Rizal ay umuwî Sa lupang tinubuan / upang dito magpunyagî Nakita niyang kailangan / ang malawak na samahan Na bibigkis sa ilustrado / sa buong kapuluán .
175. Binuo niyang samahang / La Liga Filipina Ay ginawa niyang lantad / at maka-reporma. Sa kanyang pagtatantiya / ito ay hahayaan Ng gobyernong kolonyal / na di naman lalabanan. 176. Ito naman pala’y / malaking kamalian, Sumalakay agad / ang may-kapangyarihan Mga pinuno ng samahan / ay binihag, ikinulong, At nagtayong Rizal, / sa Dapita'y itinapon. 177. Matagal na panahong / si Rizal ang tampok Na pinuno ng kilusan / at ito ay rumurok Sa pagtatatag ng Liga / na kaagad napugutan, May bagong mga pinunong / sumaló sa naiwan.
Tuloy po sa Ikalawang Hati (Mga Saknong Blg. 179-350
—Ding Reyes 1997 [1,400 taludtód sa 350 saknóng]
|