ding reyes books:

MAYAMAN

KA!

HINDI NGA LAMANG

HALATA

2010

 


           

 ..

 
 

MGA BAHAGI:

['Pindutin' ang 'bolang asul.']


Pambungad

         Basta!


1. Malakas at Magandang... Kalooban


2. Bahay na Buháy 


3. Bayanihan ng mga Nagmamahalan 


4. Bangkâ sa Bangâ 


5. Bayad-Sukliang Matapat


6. Babaylan ng Kalu- sugang Pangka- buuan 


7. Balanghayan ng mga Pamayanan  


8. Bahaghari: Sala- minan ng Kasa- ganahan  


9. Balik-loob sa Unawaan


10. Habi: Banig ng Pagniniig 


11. Malakas at Magandang... Kalooban


12. Banawe: Mga Palayan sa Bundok

Mga Dagdag


Naunang mga Akda 

ni Ed Aurelio Reyes 


 

MAYAMAN KA (HINDI NGA LAMANG HALATA)

  Yaman Blg. 2: 

Bahay na Buháy

MARIING tumanggi si Gwen sa sinabi ng kanyang ama. "No way, Papa!! I’m not going with you just to attend some birthday bash in a God-forsaken place! No!!!" Laking-syudad si Gwen Ruiz. At nakasanayan pa niyang tarayan ang kanyang ama. At ayaw niyang sumama sa pagdiriwang ng pagsi-singkwenta anyos na panganay nitong kuya sa isang malayong probinsya. "For all I know they don’t even have a cell site out there!"

Makapangyarihang tao si Angelo Ruiz. Sa opisina niya sa Ikatatlumpung palapag ng Paramount Tower sa sentro ng Makati, tuwing magbubukas siya ng bibig ay tahimik agad na nakikinig at tumatalima ang kanyang mga empleyado.

Pero ang byudong si Angelo ay mayroong isang solong anak na pasaway, laki sa layaw. Di kasi n’ya napag-ukulan si Gwen ng anumang pagdidisiplina. Kaya heto, nakikiusap siya sa anak.

May naisip siyang ibulong na nakapag-pangiti sa dalaga. "Really, Pa? The latest model?" Mukhang suhol lang ang babago sa isip ni Gwen. "Okay then, I’ll come with you, pero isang araw lang tayo, ha?"

Hindi agad umimik si Angelo. Bumuntonghininga siya at sumagot ng "Let’s sleep early tonight at maaga ang byahe natin bukas."

"Tomorrow na? Pa, kailangan pa kong mag-shopping! Alangan namang basta na lang tayo aalis, wala akong bagong isusuot. Tsaka may scratch na ‘tong shades ko, I need a new pair! Bakit ka ba nagmamadali, Pa? Saturday pa naman ang birthday ng brother mong...promdi!"

"Huy, ‘wag mong mamatahin ang Tito Bernie mo! Successful siya sa kanyang organic fruits business! Genius yata ‘yon!

"Hindi ba promdi nga? Nung we made him sama sa Glorietta ang laki-laki ng mata niya sa amazement sa mga nakita n’ya d’on. Hindi yata sanay sa puro glass, metal and concrete. Siguro sa kanila puro grasses at —yuckk!— putik-putik!"

"Wag mong kakalimutan, doon ako lumaki. Enjoy kaming magkapatid sa pag-akyat sa mga puno at swimming sa ilog!"

Sumimangot ang anak, sabay lagay ng mga daliri para takpan ang kanyang ilong.

"We have to move tomorrow! I have already cancelled all my appointments at the office, Sige na, pleeease!"

* * *

"Bakit ba ganyan ang pamangkin mo, Narding? Kung maka-asta, akala mo kung sinong foreigner!"

Nagbububusa si Trining, hipag ni Angelo, habang nagtatalop ng mga kamoteng ihahain sa mga bagong datíng. "Kung makatingin sa loob at pali-paligid eh, akala mo may nakakahawang sakit dito sa atin? Sabihin mo nga d’yan sa kapatid mo pauwiin na ‘yan!"

"Bata pa ‘yan! Magkakaisip din ‘yan! Ang mabuti pa’y pagigihan mo ang pagpapasarap sa handa natin mamaya! Busugin natin nang husto!" Napatingin sa relo si Narding. "O, nasaan na ba si Eric? Di ba dapat nandito na’ng batang iyon?"

Napabuntong-hininga si Trining. "Haay naku, Bernardo! Alam mo naman ang pamangkin mong ‘yan, baka nalibang na naman sa mga halaman niya. Napakarami niyang binubusisi sa mga tanim niya... Ikaw kasi, eh!"

"Para na nga raw titser ni Nanette sa biology kung magsalita ang tinamaan ng lintek," natawa siya. "Manang-mana sa Tiyo Narding niya! hehehe! Baka naman paparating na rin ‘yon!"

* * *

"Three days??? But, Papa, di ba pumayag kang one day lang tayo dito? I’m leaving tomorrow! Sasabihin ko kay Merto iuwi na ako sa Makati bukas na bukas! I can’t stay in this yuckky place longer than a full day, ‘no?! No way!"

Walang nagawa si Angelo nang biglang lumabas ng bahay si Gwen, at desididong hanapin na ang pinagparadahan ng kanilang Pajero na nililinis noon ni Merto.

Sa labas, malayo na ang nalalakad niya bago mapansing mali pala ang kanyang tinutungo. Lumingon siya sa likuran at napansin ding di na niya makita ang pinagmulang bahay. "Ngek! naligaw yata ako," bulong niya sa sarili. "Lagot! Nagugutom pa naman na ako!"

Maya-maya, may narinig siyang mga yapak ng isang naglalakad papalapit. At nang lumantad na sa kanyang paningin ang mukha ng paparating, sandaling nalimutan ni Gwen ang pagkakaligaw at nagsisimulang gutom...

"Wow! How cute naman this guy!" nasabi niya sa sarili, "Saksakan ng gwapo, grabe!!! Who is this hunk??!" sabay sa paglakas ng pagtibok ng kanyang puso.

* * *

"Three days??? But, Papa, di ba pumayag kang one day lang tayo dito? I’m leaving tomorrow! Sasabihin ko kay Merto iuwi na ako sa Makati bukas na bukas! I can’t stay in this yuckky place longer than a full day, ‘no?! No way!"

Walang nagawa si Angelo nang biglang lumabas ng bahay si Gwen, at desididong hanapin na ang pinagparadahan ng kanilang Pajero na nililinis noon ni Merto.

Sa labas, malayo na ang nalalakad niya bago mapansing mali pala ang kanyang tinutungo. Lumingon siya sa likuran at napansin ding di na niya makita ang pinagmulang bahay. "Ngek! naligaw yata ako," bulong niya sa sarili. "Lagot! Nagugutom pa naman na ako!"

Maya-maya, may narinig siyang mga yapak ng isang naglalakad papalapit. At nang lumantad na sa kanyang paningin ang mukha ng paparating, sandaling nalimutan ni Gwen ang pagkakaligaw at nagsisimulang gutom...

"Wow! How cute naman this guy!" nasabi niya sa sarili, "Saksakan ng gwapo, grabe!!! Who is this hunk??!" sabay sa paglakas ng pagtibok ng kanyang puso.

Napansin din siya nito, "Oops, may tao pala rito! Sorry, nabulabog yata kita, Miss!"

"Di naman..." sagot niya sa paraang medyo malambing. "Tinitingnan ko lang yung mga plants! Ang gaganda pala..."

Sa pagkarinig niyon ay ginanahan agad si Eric na makipag-usap kay Gwen, na titig na titig naman sa kanya. Nalimutan nga niyang makipagkilala sa pangalan, ni ang makipag-alaman kung bakit sila kapwa naroon."Talagang ang gaganda nila!"

Laking gulat ni Gwen nang muli niyang masulyapan ang paligid. Totoo ngang gumanda ang mga halaman doon! Di na niya kinailangang mambola sa kausap. Para yatang narinig siya ng mga bulaklak at mga dahon nang pakunwaring purihin niya sila. Napansin pa niya ang ilang paruparo.

"Hindi lang sila maganda, napakalaking tulong sa atin ng bawat halaman. Hindi nga tayo mabubuhay kung wala sila. Alam mo bang lahat ng kinakain natin ay puro galing sa kanila?"

"Di naman siguro..." Naisip ni Gwen ang paborito niyang burgers at bacon.

Para namang narinig ng lalaki ang nasa utak niya. "Pati karne, lahat, galing sa halaman. Ano ba ang kinakain ng baka? Damo! Sa halaman din galing ang karne ng baka! Pati mga isda..."

Natuwa ang dalaga at lalong humanga sa kaharap kahit di pa talaga niya naaabot ang paliwanag nito. Ngunit dahil lalo na siyang ginanahang makipag-usap, bumira siya ng sagot. "Plants are really important! Kaya nga ginagalitan ko yung gardener namin kung di niya nati-trim ang mga halaman sa amin at napapabayaan ang bermuda grass sa aming lawn."

"Nasa beauty at beautification ka pa rin sa sinabi mong ‘yan, eh! Ang ibig kong sabihin, talagang nakaasa sa kanila ang buhay natin mismo— sa pagkain, sa hinihingang hangin, pati sa kung anu-anong gamot at kemikal na inilalagay sa mga bagay na ginagamit natin araw-araw. Teka... bakit ba tayo nakatayong nag-uusap dito?" Napatawa si Erik, "Maupo kaya tayo doon...para ‘wag tayong mangawit. Okey lang sa ‘yo?"

Sa talagang pamantayan ni Gwen, medyo marumi ang itinuturong malaking batong mauupuan, pero ganado talaga siyang makinig sa nakatagpo. "Sige, paki-explain mo ngang lahat sa akin ‘yan! Lahat-lahat, ha?! Nature lover ako, eh!"

At dumaan nga ang maraming sandali ng paliwanagan, na matamang pinapa-kinggan ng dalaga, tumatangu-tango pa nga ito. Pinahawak pa nga siya ng lalaki ng isang salagubang para mapaglabanan ang takot at ang halatang pandidiri niya rito. Tatanggi sana si Gwen, pero kinantyawan siya ni Eric ng "Akala ko ba, nature lover ka? Hahaha! Eh di mahalin mo ‘yan! Nakakatuwa nga sila, pati mga bulati!"

"Ang cute nga niya! Pero nakikiliti ako ng mga paa niya. Hihihi!"

Nakaalala si Eric. "Naku! hinihintay na nga pala ako ni... Ay sige po, Miss ano, kailangan ko nang magmadali. Nalibang kasi ako sa usapan natin, eh!"

"Ako rin eh! Thanks, ha! Ano na nga pala’ng name mo? You were really making sense! Ang galing ng mga paliwanag mo. Andami ko talagang mga natutunan, mga realizations! No kidding!"

"Ako si Eric. Tandaan mo: ipagpasalamat natin na ang mundo ay may kalikasan kaya’t ang bahay natin ay buháy!"

"Mga one week pa kami dito ng Papa ko! Baka puwede pa nating ituloy ito?"

Nang makaalis na ang kausap, naiwang nakangiti sa sarili si Gwen. Nasumpungan pa niyang sundan ang isang paruparo at nahanap na rin tuloy niya ang landas pabalik sa pinagmulang bahay.

Hindi na siya nagmamaktol. At nang mabalikan ang kanyang ama, na kaagad tumingin sa relos nang makita siya, masayang salaysay ang pasalubong niya.

"Papa! May nakilala ako! Very cute guy!!! So gwapo talaga! Kahawig mo nga nang konte, eh! Konte lang! Hihihi! Ang galíng-galíng niya. He explained yung halaga ng mga halaman, pati mga insects at kung anu-ano pang hayop."

Nagpatuloy si Gwen, "Ang gwapo... este, ang galíng magpaliwanag, Pa! You should listen to him kahit once lang. Para di na puro glass, metal and concrete ang mundo mo. Di naman pala ‘ka-diri to death’ ang putik. Soil pala is actually alive! Hindi siya dumi! I just realized, nahiwalay na pala tayo sa Nature! Sabi ko nga sa kanya, dahil few days pa naman tayo rito... "

"Few days? Di ba sabi mo...? Teka, di kaya si Eric ang nakilala mo? Kanina pa siya hinihintay nina Bernie rito, eh! "

"Eric! Yes! You know Eric? Kilala mo siya, ‘Pa?"

"Oo! Pinsan mo nga ‘yon, eh! Nakuha niya ang galíng sa halaman ng Tito Bernie mo! Paboritong pamangkin niya si Eric!"

"Oh no! We can’t be related! Sobra siyang cute para maging relative ko!"

"So, ano? Uuwi ka na bukas, di ba?"

Di nakasagot si Gwen. Pinamulahán siya ng mukha. Napailing. Pinagpawisan. Napangiti. Napailing muli. Bumuntong-hininga. At pagkatapos ay sumeryoso.

"Magalíng talaga ang explanations niya, Pa! I mean, totoo naman ang realizations ko."

"Mukhang magbabago ang behavior mo sa Nature, ah, pati sa mga taong malapít sa Nature." Kumindat siya. "

"Si Papa naman!!!" Masayang nagtawanan ang mag-ama.

 

 

WAKAS

 2. Kapaligiran natin ay Buháy!

Dapat ay marunong tayong makipamuhay, makibagay nang mahusay sa kalikasan. — makipagmahalan sa mga hayop at halaman tulad ng ating mga ninuno na sa kanila’y di kailanman humiwalay.

Tulad ng lahat ng katutubň sa buong mundo, ang ating mga ninunň, ay marunong magmahal at mangalaga sa buháy na tahanang ipinagkaloob sa atin ng Lumikha, marunong makipamuhay sa mga hayop at halaman, sa Lupa, Araw, Hangin At Tubig ("L.A.H.A.T."), bilang mga kapatid na dapat lamang arugain at pagyamanin, sa halip na pagsamantalahan, waldasin at pinsalain. Bahagi ng ating likás na kayamanan ang kamalayan ng ating mga ninuno na ang pagmamahal at pagkalinga sa bahay ng buong kalikasan ay karugtong ng pagmamahal at pagkalinga sa sariling buhay ng mga taong mulát na bahagi lang tayo ng Likas na Pamayanan.

 


nauna  itaas   susunod

 THIS PAGE HAS BEEN VISITED  829  TIMES SINCE IT WAS UPLOADED IN JANUARY 2011.