Hindi
sinagot ni Elvie ang may-panunumbat na pananalita ni Agnes,
sapagkat may sarili siyang kausap sa halos pabulong niyang
pananalita habang nakaluhod sa paanan ng nitso, na kani-kanina
lamang ay ligíd ng napakaraming nakipaglibing.
May
nakakahiya pang naganap sa unang pagtatagpong iyon. Itinatanong
kasi ni Agnes kay Berto sa wikang magkahalong Filipino at Palawan-on
kung bakit nag-aaksaya ng panahon at pera itong madre na
pag-aralan ang mga kulturang "pagano" ng ating mga
ninuno.
Naibiro
pa nga niya sa wikang Pilipino na baka may toyo ito kaya’t
interesado sa isang kweba raw na malapit sa bayan ng Quezon.
Kampante kasi siyang di ito maiintindihan ng kaharap nilang madre
dahil Amerikana nga.
Laking
gulat niya nang sumagot ang banyaga ng "Inaaralan ko tow para
sa schoolwork kow!" Marunong na pala ito ng konting Filipino
dahil may ilang taon na rin pala sa Pilipinas. Buti na lang, di
siya pikon! Pero sa pangyayaring iyon ay medyo na-relax si
Agnes."Pwede ko rin naman palang tagalugin ito’t
nakakaintindi na rin ng konte sa wika namin."
Kaya’t
sa buong haba ng byahe ay masaya silang nakapag-usap. Naikwento ni
Agnes ang samâ ng loob niya sa kanyang hipag na nabalo ng kuya
niya. "Bakit di niya matanggap na wala na talaga ang asawa
niya? Pati tuloy ang batang-batang mga anak niya, tinuturuan
niyang mag-ilusyon? Na nasa piling pa rin daw nila ang kanilang
ama, di nga lamang nakikita." wika niya sa Ingles, gamit ang
nabitbit niyang mga kataga sa wikang iyon. "Bakit
siguradong-sigurado siyang nariyan pa at kinakausap pa niya?"
Sumagot
ng isa ring katanungan si Sister Kathleen: "Are you really
sure that she is wrong? Sigurado ka bang mali nga siya?"
Nagulat
si Agnes sa isinagot ng madre. "Sister, di ba, priests and
nuns like you are the ones saying that when someone dies, he is no
longer with us and instead he is just waiting in purgatory for the
Final Judgment? Eh di matagal pa ‘yon!"
Itinuro
ni Sister Kathleen kay Agnes ang larawan ng Birheng Maria sa
windshield ng bus, "Do you see Mama Mary? That’s a painting
of her. Where is she? Isn’t she there just there somewhere
waiting for the Final Judgment? Bakit usap natin siya? The Saints,
aren’t we asking them to pray for us? Why can’t your
sister-in-law talk to your brother? Sigurado ka mali siya???"
Ipinaliwanag
naman ng madre ang mga napag-alaman na niya ukol sa Manunggul Jar.
Ipinagtaka ni Agnes na maraming researchers mula iba’t ibang
dako ng mundo ang dumadayo sa mga pook na tulad ng pinatutunguhan
nila ngayon para lang maintindihang mabuti ang mga bagay kaugnay
ng kilalang Ma-nunggul Jar.
"Eh, bakit??? Why, why?"
Ipinaliwanag
ni Sister Kathleen ang mga pigurin sa takip ng "bangang
kabaong" na natagpuan sa Kwebang Manunggul na di na kalayuan
sa bayan ng Quezon, Palawan. At may dinukot siya sa
pitaka."Look at this drawing at the back of your one thousand
peso bill."
Tiningnan
naman ni Agnes. Bihira siyang makahawak ng ganitong halaga at di
rin naman niya pinapansin ang larawan sa likod nito. Pero may
bagong kaalaman mula kay Sister
Kathleen. Ipinaliwanag nito sa kanya ang pigurín ng bangkâ sa
ibabaw ng takip ng bangâ, na may dala-wang
nakasakay. "Ganito pala yun! May bangkero na may sagwan, at
itong pasahero, inihahatid patawid ng ilog patungo sa kabilang
pampang…?"
Tumango
si Sister Kathleen. Nagpatuloy si Agnes, "tumatawid sa
sinasabi mong River of Death patungo sa kabilang-buhay?"
"Yes,
your ancestors believed in life after death!"
May
bagong sigla na sa tinig ni Agnes nang makita niya ang koneksyon.
"Baka nga may punto pala si Ate Elvie…" namasâ ang
kanyang mga mata… "ibig sabihin, baka nar’yan pa rin nga
si Kuya? Maybe my brother is still just somewhere around???
Yeheyyy! Kaya pala di masyadong umiiyak si Ate Elvie! Akala ko
tuloy di na niya mahal si Kuya!"
"Tama!
Yong sister-in-law mo, very spiritual na tao siya!"
"At
ang mga ninuno namin! Our ancestors were spiritual too, at ikamo,
Sister, ginawa nila ang banga ng Manunggul bago pa ang panahon ni
Kristo?"
Ipinaliwanag
ng madre na mga paring Kastila lamang ang nag-akalang mga pagano
ang mga dinatnan nilang mga katutubo sa kapuluang tinawag nilang
Pilipinas. Akala raw kasi ng mga iyon, mga Kristyano lang ang may
relihiyon.
Hindi
nila alam na matindi ang relihiyon na isinasabuhay ng mga ninuno
ng kasalu-kuyang mga Pilipino, kasama na ang pagiging matapat sa
lahat ng nakakaugnayan, at pagiging mapagkaisa nila sa pang-araw-araw
nilang pamumuhay.
* * *
MALUNGKOT
si Sister Kathleen nang nang nasa bus muli sila pabalik sa syudad
kinabukasan.
Nanghihinayang
siya’t ang napakagan-dang kasaysayan ng Manunggul Jar na siyang
katibayan ng spiritwalidad ng mga ninuno ng mga tagaroon at ng
kabuuang sambayanang Pilipino ay di alam ng karamihan sa nakausap
niyang mga taong naninirahan nang malapit sa pinagkatuklasan ng
nasabing bangâ.
Pati
ang mga nasabihan niya ay tila wala talagang interes sa paksang
iyon. Pero may mga nakausap din siyang may ilang bagay nang
nalalaman at di rin naman nasayang ang ginasta niyang pagod,
panahon at salapi sa pagdayo niya roon.
May
lungkot ding naramdaman si Agnes sa ganoon ding kadahilanan. Pero
nangingibabaw sa kanya ang isang kaligayahang nasa puso niya’y
tila may galak na nag-uumapaw. Hindi talagang nawala si Kuya! At
may maipagmamalaki tayong kayamanan mula sa pagiging spiritwal ng
ating mga ninuno.
May
balak na namuo sa kanyang isipan. "Pagdating na pagdating ko
sa Puerto Princesa ay pupuntahan ko si Ate Elvie at yayakapin ko
nang mahigpit na mahigpit, pati sina Boyet at Aya. At alam kong
makikita at ikagagalak iyon ni Kuya Arnel. "Di ba, Kuya?"