MAYAMAN
KA (HINDI
NGA LAMANG HALATA)
Yaman Blg. 3:
Bayanihan
ng mga Nagmamahalan
APAT
na oras ang byahe ni Gerry mula Maynila tungo sa bayan ng Pukotan
sa isang lalawigan ng Gitnang Luzon. Kahit marami siyang baong
makakain, maiinom at mababasa, pati cassette tapes na
mapapakinggan, pina-sukan pa rin siya ng balisang pagkainip.
"Ano na nga kaya ang itsura ni Tiya Claring ngayon?"
tapos, ngumiti siya sa sarili, "Maganda pa rin naman siguro
kahit lolang-lola na nga siya."
Nagunita
ni Gerry ang iba pang bagay… "Hay naku, siguradong
ikukwento na naman niyang noong maliit pa akong beybi at maysakit,
buto’t balat daw akong kinakarga’t pinapatulog niya. At hindi
siya titigil kahit nakikiusap na akong h’wag nang ikwento nang
ikwento ‘yon. Palibhasa, may katigasan ang ulo, arál kasi sa
kuya niyang…tatay ko. Pamilya kasi ng mga pasawáy. Papano ko
kaya siyang kukum-binsihing magpakidnap na sa akin at tumira na sa
amin? Bahala na nga!"
Naiba
ang sumunod na pumasok sa isip niya habang rumaratsada ang aircon
bus sa zig-zag highway. "Tiyak, bibiruin ako n’yon sa
inilaki pa ng tiyan ko mula nang huli kong pagdalaw.
Naiba
ang sumunod na pumasok sa isip niya habang rumaratsada ang aircon
bus sa zig-zag highway. "Tiyak, bibiruin ako n’yon sa
inilaki pa ng tiyan ko mula nang huli kong pagdalaw. Sasabihin na
naming ang payat-payat ko dati nung beybi pa ako!" nagsimula
siyang matawa. "Ang mabuti sigurong isagot ko, di na ako
beybi – may sarili nang beybi!!!" Natuloy na ang tawa niya,
hanggang umalpas na ang isang maingay na halakhak.
Nabulahaw
tuloy ang tulog ng katabi niya sa bus, si Sarah, manunulat ng
isang magasin sa Manila. Para huwag mainis, tsinika niya ito,
batay sa una nitong nasabi sa konduktor noong kauupo pa lang nila.
"Di
ko pala naitanong sa ‘yo Miss…Bakit ka nga pala pupunta sa
Pukotan? Grabeng coincidence naman na doon din nga ako papunta…!
Napakunot
ng noo si Sarah. "Baka naman binobola mo lang ako na doon ka
papunta para…" at itinuloy na lang nito sa isang tanong
"Ikaw ba, ano’ng gagawin mo r’on kung dun ka nga tutuloy?"
"Susunduin
ko’ng Auntie Claring ko. Byuda na ‘yon, at doon siya nakatira
sa bayan ng napangasawa. Eh wala na siyang kaanu-ano doon. Matanda
na at di na makapagtrabaho. Baka sumasala na sa pagkain yon, wala
nang mag-aasikaso sa mga needs niya. Pagbalik ko isasama ko na
siya para sa amin natumira, kasama ang asawa ko at maliit na beybi.
Ano, satisfied ka na sagot ko? At ikaw naman…?
Ngumiti
na ang babae. "Research para sa article ko tungkol sa
bayanihan practices. Buháy pa rin daw doon ang bayanihan, eh!
Kailangan ko pa ngang kumuha ng photos. Bayanihan-in-action sana…"
Nagulat
si Gerry. "Anong bayanihan??? Yung nagbubuhat ng bahay??"
Napaismid
ang katabi niya. "Haysus naman! Kumbakit kasi tayong mga
lumaki sa Manila, walang kaalam-alam sa ugali ng ating mga ninuno.
Simbolo lang yung pagbubuhat ng bahay, no?!!! Teamwork yon sa
maraming bagay, pagsasanib-sanib ng mga kakayahan para sa
community."
"Talaga???
Teamwork pala yung bayanihan? Pa-share naman ng alam mo."
At
sa sumunod na halos isang oras ay nakinig ng leksyon sa kasaysayan
si Gerry. Ginanahan naman sa pagpapaliwanag si Sarah dahil may
matamang nakikinig sa kanya. ‘Yon naman palang nakikinig ay
natutuwa lamang na makinig at manood sa kanya. Pampalipas-inip,
kumbaga.
Kaya
nagulat silang dalawa nang isigaw ng kundoktor sa may pintuan ng
bus, "O, yung mga bababa sa Pukotan d’yan!"
"Ambilis
ng byahe natin, ‘no? S’an ka ngayon?" tanong ni Gerry.
May
sundo pala si Sarah sa malaking waiting shed ng Pukotan. Hindi
niya sinagot ang tanong, at sa halip ay nagtanong din. "Saang
parte ka ba ng Pukotan? Magtanong ka na lang sa mga tricycle d’yan."
Nainis
nang bahagya si Gerry. "Dati na ‘kong pumupunta dito, ‘no?!!"
* * *
Matapos
ang masayang yakapan, biruan tungkol sa lumalaking tiyan, at
umaatikabong kwentuhan, binanggit na ng lalaki ang kanyang pakay
sa pagbibyaheng iyon. "Matanda na kayo Auntie Claring, at
wala kayong kaanu-ano ditto dahil pumanaw na si Uncle…"
Tulad
ng inaasahan, tumanggi ang matanda. "Ako nga, Gerry, huwag
mong pinag-aalala sa Me-nila! Marunong ako sa buhay! Ganito ka pa
lang noon," sabay muwestra ng magkatabing daliri, "marunong
na ako sa buhay, baka akala mo!"
"Auntie
naman! Payat at maliit akong beybi noon, pero di naman ganyan sa
sinasabi mo! Eh, sinliit lang ng kuting ‘yan ah!"
"May
sariling pamilya ka na, sila ang isipin mo. O baka naman gusto mo
akong gawing yaya ng beybi mo! Dapat kayong mga magulang eh matuto
nang humarap nang husto sa responsibilidad na ‘yan!"
Hindi
nakaimik si Gerry, at may ibang interpretasyon pa yatang namumuo
sa isip ng matanda. Ipinasya niyang buksan na lang muli ang paksa
kinagabihan.
Ngunit
matapos nilang maghapunan nang papalubog pa lamang ang araw,
nakita niyang paghahanda na sa pagtulog ang inaasikaso ng kanyang
tiya.
"Ang
aga-aga pa naman po, Auntie Claring! Usap muna po tayo sandali!
Kasi po, yung sinasabi ko sa inyo kanina…"
Pinutol
ng matanda ang kanyang pangungusap.
"Kailangan
ko nang matulog, maaga akong magigising bukas para makasama sa
pukot. Kung gusto mo, sumama ka rin para maranasan mo. Pukot ang
pinagmulan ng pangalan ng lugar na ito, di mo pala alam ‘yon!"
Bagong
kaalaman ‘yon para kay Gerry. Bago rin sa kanya yun mismong ka-taga.
"Pukot? Anong pukot?"
"Sama-samang
pangingisda sa pamamagitan ng paghihila namin ng mala-king lambat!
Buti pa nga siguro’y suma-ma ka nga’t mapanood mo. Baka
makasama ka pa nga sa paghihila para mabawas-bawasan ‘yang tiyan
mo!"
"Nangingisda
pa kayo, Auntie Cla-ring??? Baka kung mapaano kayo, hindi na kayo
masyadong bata!"
"Eh
ano’ng gusto mong gawin ko, maghihiga? Eh di lalong madadali ang
aking pagtanda! Basta, matulog na tayo para makabangon nang maaga
bukas. O kahit ako na lang, kung ayaw mo!"
Matagal
bago nakatulog si Gerry. Nag-aalala nang matindi sa ginagawa pa ng
magulang sa ganoong edad.
Pero
naisip din niyang sumama na rin nga nang makita kung hirap nga ang
tiya at lalabas sa pagngiwi ng mukha nito habang humihila ng
lambat.
At
gagamitin niya iyon bilang argumento para sumama na nga sa kanya
ito pabalik ng malaking syudad.
*
* *
"Heto
ba’ng pamangkin mo ‘kamo Nanay Claring?" at bumaling sa
kanya ang isang mangingisdang bahagyang nakababata sa kanya.
"O, basta’t humawak ka sa lubid at humila nang malakas
kapag isinisigaw naming ang hudyat."
At
gagamitin niya iyon bilang argumento para sumama na nga sa kanya
ito pabalik ng malaking syudad.
*
* *
Community
ownership was torn apart. This also destroyed basic equality and
harmony. The Biped Brotherhood was utterly ruined. Nature was next
in the line of fire, as wealth-amassing Bipeds raced to plunder
the Earth’s bounty.
The
arrangement for harmonious self-governance of communities based on
ties of kinship was distorted to maintain the prevailing
"peace and order" in favor of the Biped-owning Bipeds.
The new arrangement worked "Heto
ba’ng pamangkin mo ‘kamo Nanay Claring?" at bumaling sa
kanya ang isang mangingisdang bahagyang nakababata sa kanya.
"O, basta’t huma-wak ka sa lubid at humila nang malakas
kapag isinisigaw naming ang hudyat."
Napatingin
siya kay Tiya Claring at sa kumakausap sa kanya. "P’ano
siya, wala na siyang lakas na panghila tulad n’yo. Mabilis na
rin sigurong mapapagod!"
"Bakit
isinasama pa ninyo siya sa ga-nito? Mayapat ba di n’yo siya
kaanu-ano???" Nagsimulang magalit si Gerry sa nagaganap.
"Auntie, pinapagawa ba nila sa ‘yo ito? Pagkatapos, ano,
bibigyan ka ng ilang isda?"
Ngumiti
ang mangingisda. "Ang hinihingi lang naman sa bawat isa rito
ay yung kaya lang niya. Alam niya at alam naming lahat na kapag
napasobra siya sa pagpapagod, manghihina ang lakas niya bukas!
Talo rin kaming lahat!"
"Huwag
ka ngang masyadong nag-aalala sa akin, Gerry!"
Nakisama
na rin si Gerry. Sa tuwing paghihila ay minamasdan niya sa mukha
ng matandang kamag-anak kung nahihirapan ba ito.
Parang
hindi naman! Mukhang siya pa itong nahihirapang sumabay sa kumpas
ng iba, at nagsisimula nang mapahingal.
Nagulat
pasiya nang mamataan sa di gaanong kalayuan ang isang kakilala—Si
Sarah, kuha ng kuha ng litrato. Masaya silang nagkawayan. At
pagkatapos ay nakita niya itong lumapit sa lambat upang makihawak
at makihila na rin dito.
Maya-maya,
dumating na ang paghahatian ng mga nahuling isda.
Napansin
ni Gerry na napakaraming isda ang ipinatong sa lalagyan ng kanyang
Auntie Claring.
"Bakit
andami? Konti lang namang lakas ang naibigay n’yo! O baka naman
dahil na-rito ako, gusto nilang ipakita sa akin na…"
"Araw-araw
‘yan! Sa kalakaran kasi dito, iambag mo ang buong lakas na kaya
mo, at ibibigay naman sa iyo ang lahat ng talagang kailangan mo!
"O,
hayan, andami niyan, sariwang-sariwa! Mahilig ka pa ba sa isda?
Walang ganyang kasari-wang isda sa paspud n’yo sa Me-nila!"
Habang
pauwi, nag-tanong uli ang babae, "Ano’ng luto ang ga-gawin
natin, prito? ini-haw? Marami tayong tanim na kamatis sa bakuran
natin, mamitas ka habang gusto mo!"
"May
bagoong tayo, Auntie?"
Tawanan
ang lahat ng nakarinig. "Ako pa, mawawalan?"
Tapos,
inakbayan niya ang pamangkin. "Gerry, alam mo, di nila ako
kaanu-ano, pero mas mahigpit pa sa mismong magkakapatid ang
turingan naming lahat dito sa Pukotan!
"Kaya
kakaiba kami sa maraming nayon, dahil buháy pa ang ganitong ugali
dito. Kaya nga may reporter pa ngang dumating kahapon para kunan
tayong litrato. Kakilala mo yata sa Me-nila, nakita kong
nagkawayan pa kayo, eh! Kilala mo nga ba?"
Ngiti
lang ang isinagot ng lalaki. Sa isip na lang siya sumasagot.
Oo,
kilala ko nga ang "teacher" ko kahapon sa
Bayanihan Teamwork!
At
aabangan ko ang paglabas ng artikulo niya sa magasin. Ipapa-xerox
ko at ipapakalat pa Internet. Dapat lang na marami talaga ang
makaalam tungkol doon. Dahil dapat itong lumaganap muli!
Dala
niya ang mga isiping iyon at mga nabubuo niyang balak sa mag-isang
pagbibiyahe niya sa aircon bus kinabukasan. Magkasinghaba ang
biyahe papunta at pabalik. Ngunit hinding-hindi niya nakuhang
mainip.
WAKAS
3.
Bayanihan:
Pagsasanib-lakas
at Pagbabahagian!
Unang
namutawě sa mga labě ng ating mga ninuno ang katagang
"bayaně" bilang isang pandiwa (verb) na ang
katuturan ay "maglingkod sa pamayanan nang walang
inaasahang katumbas na materyal na kabayarán." Ang
bayanihan ay pagsasalubungan ng paglilingkod ng mga tao sa
isa’t isa.
Sa
pagsasanib-sanib ng mga kakayahan nila sa pagbabayanihan,
nalilikha nila ang ibayongkakayahan. Ang saganang likás na
kayamanan ay nilalapatan pa ng pinagsasanib-sanib na
lakas-paggawa sa produk-syong ang saganang bunga naman ay
pinagsasaluhan ng lahat, ayon sa kaparaanang nakabatay sa
pagmamalasakitan at pagmamahalan.
|
|