ding reyes books:

TASYÔ NGAYON NA BA ANG BUKAS

SA HABILIN

NG PANTAS?

2009

 


           

 ..

 

MGA BAHAGI:

['Pindutin' ang 'bolang asul.']


Pambungad na Tagpô

Sa Bahay ng Pantas (Batay sa Kabanata 25 ng Noli Me Tangere)


Kabanata 1

Eleganteng Paanyaya


Kabanata 2  

Mag-worry Tayo! 


Kabanata 3

Mahiwagang Kasulatan


Kabanata 4

Pahalagahan ang Katagang... 


Kabanata 5

Kathang-isip 

ang Noli?


Kabanata 6

Ang mga Pinóy Kasi!


Kabanata 7

Walang banô

sa mga Jedi  


Kabanata 8

Teka, baka 

hindi 'Tasyo'! 


Kabanata 9

Nagkaligáw-ligáw 

ng Landás


Kabanata 10

Pressscon ba o Paglilitis?


Kabanata 11

'Ilabas n'yo ang Kwadro!!!'


Kabanata 12

Hiwaga sa Kasimplehan 


Kabanata 13

Anong 'Jury'??? 


Kabanata 14

Susunod pang Henerasyon?? 


Kabanata 15

Kailangan ang Sapat na Dami 


Kabanata 16

Isang paa na lang... 


Kabanata 17

Habilin para sa lahat 


Mga Dagdag


Naunang mga Akda 

ni Ed Aurelio Reyes 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

TASYÒ: NGAYON NA BA ANG BUKAS SA HABILIN NG PANTAS?

 Kabanata 10: 

Presscon ba o Paglilitis?

Araw na ng presscon. Ikasampu ng umaga. Maraming tao na ang nakatipon sa UCP Auditorium. Ipinalipat daw roon ni Dr. Regalado ang press con dahil hindi na magkasya sa Conference Room ang dumating na mga tao.

Nang malaman ito ni Virgie Abad, na vice president for external affairs, kinagalitan niya mula ulo hanggang paa ang sekretarya niya.

“Oo nga, I told you to invite everybody important in the media!” bulyaw ni Virgie sa kanyang sekretarya, “not naman everybody on the street! Bakit maraming tao na kamo at di na nga kasya sa conference room? I signed only about 20 or so invitation letters…  Teka, silipin ko nga kung gaano talaga karami…”

Sumilip siya sa kurtina at nagulantang. “Oh, no! Ang dami-dami nga! Pamimiryendahin ba natin… all these people??”

“Wala naman tayong sinabi, Ma’am!” Napabuntong-hininga si Elsie. “Ang dinig ko po kasing talaga sa sinabi n’yo, ‘Invite everybody,’ eh!”

“No! Why would I ever say that? Ano ako, hiló?”

*   *   *

“Yes, Sir, kaya ko naman pong gawin ‘yan… sana!”  May tunog ng kabá sa tinig ni Alex sa pagtatapos ng usapan nila ni Dr. Margallo.

“Tiyakin mo, walang silbi sa akin ‘yang mga sana!  Ipasya mong tiyakin, ibuhos mo ang loob mo na kailangan successful ka diyan dahil iyan na ang stepping stone mo sa marami ko pang ipapagawa sa iyo na magkakapera ka nang mabilis. Ako’ng bahala sa ‘yo!”

“Sige, Sir! I’ll do my best…”

“Yan ang sagot! Tuparin mo na lang ang pangako mong ‘yan! Alangan namang asahan kong lalagpasan mo pa ang best mo…  Let’s go! It’s almost ten. Hawakan mong mabuti yang press card na ‘binigay ko sa iyo, at memoryahin mo nang husto  ang pangalan mo  ngayon for  about  an hour.

Memorize mo—Demetrio Legaspi, Metro News. Ikaw ‘yan. Mauuna na ako. Sumunod ka na sa loob ng kampus after three minutes. Hindi tayo magkakilala, ha?”

*   *   *

Mag-aalas-onse na nang masimulan ang programa sa pagpapatugtog ng Lupang Hinirang. Halos kalahating oras na pag-antala na sinadya para sa dagdag na paghihintay sa pagdating ng inaabangan pa raw na “official report,” na ibubunyag sa press con. At halos limang minuto bago mapatayo ang mga tao bilang pagbibigay-galang sa pagtugtog ng “Pambansang Awit.”

Tinarayan na sila ng isa sa mga emcee: “Magsitayo na nga kayo! Makikinig na lang kayo sa “Bayang Magiliw,” tinatamad pa kayong mga pasaway kayo..!”

Nang matapos na ang mga pasakalye sa simula ng palatuntunan, kasama na ang pambungad na pananalita ni Dr. Virgie Abad, external vice president ng Universal College, na kumatawan sa presidenteng si Dr. Villaseñor, sinabi ng emcee na sinisimulan na nila ang press conference kahit na hindi  pa  dumarating  ang  sagot  mula  sa  National Historical Institute at sa katunaya’y di pa rin handang magbigay ng husga ang Committee of Experts ng Universal Colleges. 

Kinilala rin ng emcee at pinalakpakan ng lahat ang mga presentors at pinaupo sila sa kani-kanyang lugar sa mahabang mesa ng panel—si Dr. Margallo ang Vice President for Academic Affairs na pinaupo sa may gitna ng mesa bilang main facilitator; si Dean Regalado, dekano ng kolehiyo na head presentor; si Prof. Anita Aguila, nilang presentor din; at si Liza Padilla.  Sinabi pa ng emcee na ang dalawang bakanteng upuan ay reserbado sa inaasaahan daw na darating pang mga kinatawan ng National Historical Institute at ng pribadong samahang Kamalaysayan.

Kasunod niyon, pinatayong isa-isa ang mga reporter na naroon at pinagpakilala ng sari-sarili.  Kabilang sa kanila ang huwad na reporter na si “Demetrio Legaspi po, Metro News.” Tinitigan siya ng mga tunay na reporter na tila nagdududa sa kanya, kasama na ang mga tunay na reporter na tumanggap ng mga puting sobre mula kay Dean Regalado noong naunang araw. 

Tumayo agad si Dr. Margallo at kinuha ang mikropono sa emcee, na bahagyang nagulat dahil di pa niya naipapakilala ito.

“Uhrrm! Good morning, ladies and gentle­men of the Press!” bungad na Dr. Margallo. At nagulat ang lahat nang idugtong niya sa pagbating iyon ang paghingi ng dispensa ng mga dumalong reporter. “On behalf of the Universal College of the Philippines, I would like to express my heartfelt apologies that we have been unable to complete the preparation of data to be released in this press conference.”

Nagdabog si Dean Regalado sa narinig ngunit hindi siya kumibo.

“Narito na rin lang tayong lahat, let us hear out what our main presentors can give you for filing before your deadlines this afternoon. Para di naman kayo ma-bokya sa mga editors n’yo. Again, our sincere apologies! Kasi we were informed by them na meron daw talaga silang maipe­present na maituturing ninyong news­worthy."

Bumaling siya kay Dean Regalado, ipinasa rito ang mikropono at saka umupo. Sabay namang umabot  sa  kani-kanilang  baso ng tubig  sina Prof. Annie at Liza habang marahang tumatayo si Regalado upang magsimula na sa kanyang pagsasalita.  Damang-dama niyang bago pa siya makasimula, nagawa na ni Dr. Margallo ang ipahiya siya sa lahat ng naroon.

“Greetings, ladies and gentlemen of the press, the Universal Colleges of the Philippines is very proud to announce to you…” at tumingin siya kay Dr. Margallo, “na ang paaralang ito ay aktibo sa responsibilidad ng Akademya na tumulong sa pagtuklas ng mga bagay-bagay na mapapakinabangan ng ating lipunan, Hindi pa kasi naiintindihan ng ibang kolehiyo’t unibersidad, at hindi pa rin nga naiintindihan kahit ng ilang opisyales dito na mismo sa Universal na hindi puwedeng aasa lang kami lagi sa pagtuturo ng mga nasasaliksik ng iba.” Tumitig siya kay Margallo, at ito naman ang nagdabog.

Isang pangkat ng mga reporter ang masigabong nagpalakpakan kay Dr. Regalado.

“Ninais sana naming makumpleto na muna ang aming natuklas bago namin ilabas. Ngunit hindi namin nagawang makontrol ang dumadaloy na kasaysayan.  Kaya’t ipinasya naming ituloy na rin ngayon ang press con upang maibahagi na namin sa publiko sa pamamagitan ng media ang amin nang nasimulan, at hihingin naming samahan n’yo na kami sa susunod pang mga hakbang sa mahalagang pakikipagsapalaran ng akademiko at makasaysayang pagtuklas.”

Pinalakpakan siyang muli ng iyon ding grupo ng mga reporter na unang nagbunyi.

Nagsalita si Dr. Margallo bilang moderator ng komperensya. “The gentleman standing beside the microphone. Yes, you! You were raising your hand? Go ahead, you are recognized.”

Nagsalita agad ang reporter sa mikroponong hawak na niya. “Pwede po ba naming marinig na right now ang summary ng balitang ibubunyag na n’yo sa presscon na ito?  Sana, sa lead na agad tayo ng malaking storya!”

Bahagyang napangiti si Dr. Regalado. Pero ngayo’y biglaan na rin siyang pinagpawisan. “Iyon na ngang talaga ang ibibigay ko, pero tila nainip ka! Next na nga talaga ‘yon sa sasabihin ko!”  Ibinaling niya ang pagtanaw sa nangungulo. “So, if I may be allowed to finish my presentation before we entertain any questions, Mr. Moderator…”

Sumigaw ang reporter sa mikropono, “Objection!! Objection, Mr. Chairman!”

Na kaagad-agad namang sinang-ayunan ni Dr. Margallo, “Objection sustained! Dean Regalado will answer the question! Right now!”

Halos malaglag ang panga ng inatasan. “Objection? – sustained? Ano ba ito, “Court is now in session?  Bakit di tayo nag-‘All rise!’ kanina?”   Napakamot siya ng ulo!

*     *     *


nakaraan   itaas   susunod

 THIS PAGE HAS BEEN VISITED  377  TIMES SINCE IT WAS UPLOADED ON MARCH 26, 2010.