ding reyes books:

TASYÔ NGAYON NA BA ANG BUKAS

SA HABILIN

NG PANTAS?

2009

 


           

 ..

 

MGA BAHAGI:

['Pindutin' ang 'bolang asul.']


Pambungad na Tagpô

Sa Bahay ng Pantas (Batay sa Kabanata 25 ng Noli Me Tangere)


Kabanata 1

Eleganteng Paanyaya


Kabanata 2  

Mag-worry Tayo! 


Kabanata 3

Mahiwagang Kasulatan


Kabanata 4

Pahalagahan ang Katagang... 


Kabanata 5

Kathang-isip 

ang Noli?


Kabanata 6

Ang mga Pinóy Kasi!


Kabanata 7

Walang banô

sa mga Jedi  


Kabanata 8

Teka, baka 

hindi 'Tasyo'! 


Kabanata 9

Nagkaligáw-ligáw 

ng Landás


Kabanata 10

Pressscon ba o Paglilitis?


Kabanata 11

'Ilabas n'yo ang Kwadro!!!'


Kabanata 12

Hiwaga sa Kasimplehan 


Kabanata 13

Anong 'Jury'??? 


Kabanata 14

Susunod pang Henerasyon?? 


Kabanata 15

Kailangan ang Sapat na Dami 


Kabanata 16

Isang paa na lang... 


Kabanata 17

Habilin para sa lahat 


Mga Dagdag


Naunang mga Akda 

ni Ed Aurelio Reyes 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

TASYÒ: NGAYON NA BA ANG BUKAS SA HABILIN NG PANTAS?

 Kabanata 3: 

Mahiwagang Kasulatan

Okay, Robles, i-text mo nga uli si Dr. Margallo. I-text mo na’ng lahat ang mga committee members niya! Kailangang makausap ko sila! kahit isa man lang sa kanila!  We need to know kung ready na ba sila by tomorrow. Nagpatawag na raw ng presscon si Dr. Regalado. Kung di pa mag-text back, i-live call mo na.”

“Sir, baka di lang makasagot dahil sobrang busy sila sa deliberations. Pinapahirapan pa kasi nila ang sarili nila na husgahan talaga ang weird na dokumentong ‘yon! Ang huling report sa atin ni Sir Regalado, hinihintay pa raw nila ang comment mula sa National Historical Institute. Baka yun namang mga taga-NHI ang nahihirapan!  Eh kung sa akin lang, tapos na agad ‘yon! We will announce the expert finding that this weird document is nothing but a fake! Nagtataka nga po ako kung bakit natin pinatulan pang seryusohin ‘yon! Naghahanap lang naman po ng pogi points sa inyo ‘yang si Dr Regalado, eh! Sana kung yung pogi points eh para sa school talaga…!”

Napaismid at tumingin sa relo ang boss.

“Did I ask for your opinion, Robles? Just do as I say. Tell them to call me up right now. Aba, bukas na ang  press conference natin!  Baka mapahiya tayo sa publiko, sa buong academe, kung wala pa pala tayong malinaw na sasabihin!”

Parang walang enerhiyang sumunod ang inutusan.

“Sige na, galaw na!”

“Okay, Sir, magpapa-load lang muna ho ako sandali!” sagot ni Robles sa boss niyang si Dr. Villaseñor. Pero sa loob-loob niya, ito ang talagang sinasabi… “Buwisset! Gastos na naman sa load ito! Sana kung binibigyan ako nito ng pang-load! Eh napakakuripot naman!”

“Lakad na! Magpa-load ka na! Bakit parang bubulong-bulong ka pa dyan? May problema ka ba sa ‘pinapagawa ko?”

“Wala po!”

*   *   *

“Kayo naman, one month lang akong nawala, may nangyayari na palang drama dito. Sige nga, Annie, what’s the big deal about a presscon tomorrow?”

“Buti pa, si Liza na ang magsimulang magkwento. Dun tayo sa talagang umpisa!” “Yes, Ma’am, sa akin talaga nagsimula ang problemang ito, eh!”

“I didn’t say that, Liza…”

“Pero totoo po, Ma’am, it’s all my fault!”

“Ms. Liza Padilla, I want to hear your kwento, mamaya na ang debate kung meron ngang may kasalanan. Let me hear first, what happened ba?  Teka, mag-order pa tayo ng kanin. Ang sarap nitong sweet and sour, eh! Mahabang kwentuhan ‘ata 'to…”

“Sa subject po ni Miss Aguila, gusto ko sanang maka-flat one din, gaya sa inyo…” napangiti siya. "Sabi po n’ya makukuha ko ‘yon basta’t makagawa ako ng isang special project. Nai-suggest niyang gumawa ako ng comparison between yung librong Past Revisited ni Constantino at History of the Filipino People ni Agoncillo. So, I bought both books. Kaya lang, nung gagawin ko na sana, bigla po akong pinauwi sa Cabuyao, Laguna dahil namatay ang Lola Tinay ko. Dinala ko yung dalawang libro para doon na pag-aralan. At nakita ng pinsan kong si Ellen yung ancient Tagalog writing na nasa libro ni Agoncilio.”

“Ancient Tagalog script? Ano yon, alibata?” 

“Well, actually, imprecise term yata yung ‘alibata’,“ pasok ni Annie, “hindi kasi letters, ‘baybayin’ ang tawag. Tapos, may gumawa na nga ng popular version daw na tinatawag nilang ‘pantigan.’  Para raw sa beginners. I’ve been teaching this pantigan system to my Philippine History students, and they are fast learners on this. And Liza here was one of the fastest.

“Yun nga pong nasa libro ni Agoncillo ay halos kapareho ng pantigan na ‘tinuturo sa amin ni Ma’am Aguila. At yun nga ang nakita ni Ellen sa libro.”

Nagpatuloy siya. “Pero may ipinakita siya sa akin na nakasulat naman sa baybayin, yung talagang ginagamit noon ng mga ancestors” natin for thousands of years bago dumating ang Spanish colonizers.”

“What’s the big difference ba?  O, heto na’ng extra rice ko. Share tayo?”

“Konte, sige… ops! Thanks! The big difference really made a big difference. Ang kaibhan kasi, itong baybayin eh walang isinusulat na silent syllables,  I mean, hindi  na  isinusulat  ang   consonant symbols kung hindi naman sinusundan ng vowel sound. Halimbawa, yung apelyido mong Floresca, kapag nakasulat sa baybayin ay parang “loreka” at utak na ng bumabasa ang magdadagdag ng missing consonant sounds para pag bigkasin niya ay tama na ulit. Mas magaling at mabilis di-hamak ang utak ng mga ninuno natin kesa sa atin ngayon, pag ganoon ang titingnan mo!”

“Naku, papano yon?  Papano nilang nahuhulaan kung anong tunog ang di na lang isinulat pero dapat namang isama sa pagbigkas?  Baka basahin nang klo­rengka ang apelyido ko. Yukky! O baka ang basa pa, lokaret! Ay hindi pala, mababalasa na ang consonant sounds d’on…”

 “Huy, baka may mga kababayan tayo na kuwan, ‘klorengka talaga ang apelyido, iniinsulto mo sila with your ‘yukky!’ Actually naman, wala pa namang apelyido noon, at ang mga pangalan naman ay tulad din ng sa karaniwang mga bagay sa kalikasan, kaya nakukuha nila sa konteksto ang tamang bigkas. Magaling talaga ang mga ninuno natin. Sanay sila sa ganoon at talagang nagkakaintindihan sila.”

 “Oo nga, Ma’am! Sabi pa ng isang artikulo sa internet, ginagamit daw ng ordinaryong mga tao noon ang panulat nating ganoon, para lang daw texting natin ngayon. At sabi nga po ni Bonifacio, lahat daw marunong ng ganoon—mapa-lalaki, mapa-babae, matanda, bata, lahat! Universal literacy nga po, right?”

“Right! Habang nasasanay pa nga tayo sa pag­babasa ng text messages sa cell phones, mas umiikli pa ang mga mensahe dahil mas maraming letra pa ang di na rin ‘nilalagay, pero nagkakaintindihan pa rin tayo. Aba, pati mga Koreano, bilib sa texting natin, texting capital daw nga tayo sa mundo! Anyway, thanks for an instant lesson sa ating ancient history, pero recent history sana ang gusto kong marinig. May ipinakita kamo ang pinsan mo na nakasulat sa ‘alibata’?”

“Sa baybayin po, Ma’am.”

“Okay, sa baybayin, with that big difference you both just explained. So, how did that become a big problem that could bring tears to your eyes, Liza? Anubayannn??!!!”

“Dahil marunong po ako ng pantigan, na ‘tinuro sa ‘min ni Ma’am Aguila, naisip kong pasiklaban yung cousin ko. Ipapakita ko sana sa kanya na kaya kong basahin yon. Pero di ko pala talaga kayang basahin dahil nasa baybayin pala nakasulat, kaya wala nga ang mga tahimik na pantig. Yung unang word pa lang, ang tingin ko sa pagkakasulat ay ‘mula.’ Pero pwede rin palang ‘mulat,’ na tinanggal lamang ang huling consonant dahil di nga iyon nasusundan ng vowel sound. Sa context naman po, parehong pwede, pero may kaibhan na talaga sa meaning.”

“So, Liza tried to borrow it, para maibalik dito sa Manila at maipakita sa akin. Pero nang ipagpaalam nila sa nanay ni Ellen, yung anak ng kamamatay niyang lola, nagulat sila sa tindi ng pagtanggi nito. Nahiwagaan si Liza sa ganito kaya nagtanong pa siya. Eventually, she had to give in. Ayaw talagang ipahiram nung aunt niya, kaya kinopya na lang niya ang nakasulat sa baybayin, carefully naman daw. Wala nga raw kasing camera ang cell phone niya, eh!”

“Very very carefully nga po, Ma’am! Nahirapan din po ako dahil para siyang sealed in candle­wax na may creases na kaya maraming mga parteng malabo.   At makapal na rin yung alikabok na dumikit na sa wax. Marumi na rin talaga. Nakadikit po yon sa isang makapal na kahoy at nakapatong sa lumang piano na dati’y natatakpan ng med school diploma ni Tata Basillo.”

“At sino naman yung Tata Basillong ‘yon?” tanong ng bagong-dating.

“Tatay raw nitong Lola Tinay na kamamatay lang, at lolo nitong ayaw magpahiram. Ba­kit nga pala matindi ‘kamo ang pagtagging hiramin mo yung k’wan, yung nakasulat?”

Nangilabot nang matindi si Liza. Sa nakita ng dalawang guro sa kanyang mukha, biglaang nangilabot din sila. At nahiwagaan.

*   *   *

Samantala, dalawang empleada sa opisina ng External Vice President ang lumapit sa tatlo bago dalhin sa iba pang mesa ang kani-kanilang nakuhang pagkain.

“Prof. Aguila, bidang-bida pala kayo bukas, ha! Nasa imbitasyon po kayong dalawa ni Liza para sa press con bukas. Ipinaimbita pa naman ni Dr. Abad ang buong mundo!”   

Ang kilabot ay nadagdagan ngayon ng matinding kaba. “Buong mundo? Ibig sabihin, marami’ng darating sa press con, Ma’am! Papano na ‘to???” 

Parang maiiyak na naman si Liza. Kaya naisipan ni Prof. Aguila na pasayahin ito kahit kaunti. Pasok siya ng ganito. “Naku, Wilma, kawawa naman ‘tong si Liza. Problemadong-problemado, samantalang kanina lang eh masaya niyang kabulungan si… ano na nga ang pangalan ni.. ah, si Orly del Rosario nga pala! Ang sarap n’yong tingnan kanina, ah! Nakakainggit kayo, parang… parang kuwan… kayo na ba???” sabay kindat.

Nagtagumpay ang guro sa gusto niyang mangyari. Napangiti niya ang dalaga. Namula pa nga nang bahagya ang mukha nito.

Nanukso ang kararating na kaibigan, “Uyyy! Mukhang mabilis ka nga sa balita, Annie! To blush is to admit, di ba??? Hahaha!”

Nakitawa na rin si Liza, nang lalo pang namumula ang mukha.

*   *   *


nakaraan   itaas   susunod

 THIS PAGE HAS BEEN VISITED  1082  TIMES SINCE IT WAS UPLOADED ON MARCH 26, 2010.