ding reyes books:

TASYÔ NGAYON NA BA ANG BUKAS

SA HABILIN

NG PANTAS?

2009

 


           

 ..

 

MGA BAHAGI:

['Pindutin' ang 'bolang asul.']


Pambungad na Tagpô

Sa Bahay ng Pantas (Batay sa Kabanata 25 ng Noli Me Tangere)


Kabanata 1

Eleganteng Paanyaya


Kabanata 2  

Mag-worry Tayo! 


Kabanata 3

Mahiwagang Kasulatan


Kabanata 4

Pahalagahan ang Katagang... 


Kabanata 5

Kathang-isip 

ang Noli?


Kabanata 6

Ang mga Pinóy Kasi!


Kabanata 7

Walang banô

sa mga Jedi  


Kabanata 8

Teka, baka 

hindi 'Tasyo'! 


Kabanata 9

Nagkaligáw-ligáw 

ng Landás


Kabanata 10

Pressscon ba o Paglilitis?


Kabanata 11

'Ilabas n'yo ang Kwadro!!!'


Kabanata 12

Hiwaga sa Kasimplehan 


Kabanata 13

Anong 'Jury'??? 


Kabanata 14

Susunod pang Henerasyon?? 


Kabanata 15

Kailangan ang Sapat na Dami 


Kabanata 16

Isang paa na lang... 


Kabanata 17

Habilin para sa lahat 


Mga Dagdag


Naunang mga Akda 

ni Ed Aurelio Reyes 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

TASYÒ: NGAYON NA BA ANG BUKAS SA HABILIN NG PANTAS?

 Kabanata 11: 

Ilabas N'yo ang Kwadro!

Samantala, sa isang bayan ng di-kalayuang lalawigan, nagkagulo ang mga tao sa tabi ng munispyo nang may magbalita sa istasyon ng bumbero na may nagliyab na bahay sa isa sa mga baranggay, at napakabilis daw lumaki ng apoy. Kaagad na nagtipon ang mga bumbero upang sumugod na sa bahay na tinutukoy.

May ilang kilometro rin mula poblacion ng bayan ang sinasabing sunog, kaya’t nang dumating doon ang mga bumbero ay halos tupok na ang buong bahay ni Aling Alma.

Walang-tigil sa paghagulhol ang matanda, kahit nailigtas na siya’t nadala na sa ospital sa bayan. Paminsan-minsa’y tumitigil sa pag-iyak at isinisigaw ang “Ilabas n’yo ang kwadro! Di dapat masunog ang kwadro ni Lolo!”

Ang anak lamang niyang si Ellen ang makakaunawa sana sa tinutukoy ng kanyang ina. Ngunit wala siya sa kanilang bahay, ni sa kanilang bayan, nang maganap ang sunog. Kaya’t walang nakaunawa sa matanda hanggang sa mawalan na siya ng malay at pulso at ipasok sa intensive care unit ng ospital.

*     *     *

Isa pang reporter ang lumapit sa mikropono. Isa sa unang mga malakas na pumalakpak kay Dr. Regalado noong kasisimula pa lamang ng press con. “Question, Sir!  Do you think that society-at-large would…”

Pinutol siya ng moderator. “I have to cut you, Miss Lady Reporter,  we have  to dispose of the earlier question. Dr. Regalado has not yet answered the gentleman’s request for a short summary.”

Inamin ni Dr. Regalado na di siya handa, at di niya gusto, na magbigay ng simpleng paliwanag. “Kaya nga di kami naghanda ng press statement, eh. Hindi simpleng bagay ito na madaling i-summarize. Atsaka di pa kasi dumarating ang taga-NHI… Ang importante rito, may mahiwagang kasulatan kaming natuklasan sa Laguna province na isasalaysay…”

“Simply put, you’re not ready!  Hindi pa kayo handa sa gusto n’yong ibunyag pero itinuloy na rin ninyo itong press conference?  I have other assignments to pursue, Sir…” Naupo ang unang reporter, matapos bitiwan ang mike, sinimulang iligpit ang kanyang mga gamit at tumayo upang umalis na.

Ngunit nilingon pa niya at painagsabihan nang malakas ang napatahimik na dekano, “Okay, I’ll just write it that way. Call me when you have something definite. Fax to desk na lang. Thanks! Sayang lang oras namin dito!”

Sinalubong naman siya ni Dr. Virgie Abad, na may  matamis  na  ngiti,   “But coffee  is about to be served for all!” at lumingon sa napakaraming tao sa auditoritum,  “I mean, to all media people in this presscon.”

May nagtaas pa ng kamay at lumapit sa mikropono. Nagtanong agad ito kay Dean Regalado. “What makes you think that this school will soon be able to shout ‘eureka’? If you are unprepared for even just a short sum­mary, can’t we just have a brief chronology here?

May isa pang reporter na tumayo at doon mismo sa kinalalagyan niya’y sumigaw ng  “Objection! Objection!”

Lumapit siya sa mikropono at ipinasa naman ito sa kanya ng naunang may-hawak. “Pag ‘chrono’ agad, hahaba na ang usapan wala pa tayong naiintindihan what this is all about! Kailangan, summary muna! Tapos, kung wala pa naman pala tayong balita talaga, sasama na ako kay kuwan pag-alis.”

Sumang-ayon muli si Dr. Margallo, “Ob­jection sustained, Dr. Regalado will answer the question, I mean, the request for a sharper short summary. Dr. Regalado, please!” Mabagal ang sagot ng dekano.  Halatang naiinis na. “Okay, let me put it simply: we are on the verge of proving the probable discovery of a historical artifact, ancient pre-Spanish Filipino writings, but with a Spanish-period message, from the last years of the Spanish period. Now, that answers the request for a summary, punta na tayo sa chronology. Allow me, please, to present to this gathering our Philippine History professor here, Prof. Anita Aguila…”

Naggumiit ang reporter,  “Objection!”

Nagtaas na ng boses si Dr. Regalado. “Will you please stop objecting like that, like a lawyer? This is a press con, not a court session.

“Objection overruled!” biglang kinampihan ni Dr. Margallo si Dean Regalado.  Napatunganga naman sa gulat ang huli sa sinabi ng umaastang hukom.

*     *     *


nakaraan   itaas   susunod

 THIS PAGE HAS BEEN VISITED  960  TIMES SINCE IT WAS UPLOADED ON MARCH 26, 2010.