ding reyes books:

TASYÔ NGAYON NA BA ANG BUKAS

SA HABILIN

NG PANTAS?

2009

 


           

 ..

 

MGA BAHAGI:

['Pindutin' ang 'bolang asul.']


Pambungad na Tagpô

Sa Bahay ng Pantas (Batay sa Kabanata 25 ng Noli Me Tangere)


Kabanata 1

Eleganteng Paanyaya


Kabanata 2  

Mag-worry Tayo! 


Kabanata 3

Mahiwagang Kasulatan


Kabanata 4

Pahalagahan ang Katagang... 


Kabanata 5

Kathang-isip 

ang Noli?


Kabanata 6

Ang mga Pinóy Kasi!


Kabanata 7

Walang banô

sa mga Jedi  


Kabanata 8

Teka, baka 

hindi 'Tasyo'! 


Kabanata 9

Nagkaligáw-ligáw 

ng Landás


Kabanata 10

Pressscon ba o Paglilitis?


Kabanata 11

'Ilabas n'yo ang Kwadro!!!'


Kabanata 12

Hiwaga sa Kasimplehan 


Kabanata 13

Anong 'Jury'??? 


Kabanata 14

Susunod pang Henerasyon?? 


Kabanata 15

Kailangan ang Sapat na Dami 


Kabanata 16

Isang paa na lang... 


Kabanata 17

Habilin para sa lahat 


Mga Dagdag


Naunang mga Akda 

ni Ed Aurelio Reyes 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

TASYÒ: NGAYON NA BA ANG BUKAS SA HABILIN NG PANTAS?

 Kabanata 17: 

Habilin para sa Lahat

Samantala, nang papalabas na ang audience, may dalawang babaeng pagud na pagod na sa kakadistribute ng photocopies ng “Ang Naitagong Habilin ni Tasyo,” na magkasama na ang “baybayin” at alpabetong Pilipino, na dinala ni Liza noong una siyang pumasok sa auditorium. 

Binibigyan silang lahat ng kopya nito.

At sa bawat ipinamahaging kopya ay nakasulat ang buong mensahe, na nagwawakas sa ganito:

“Buo ang aking paniniwala na darating at darating ang araw ng ating paglaya. Sa katunayan, tayo, ang ating kaisahan bilang pinagsama-samang sari-sarili, ang tunay na Hari ng Katagalugan sa dakilang alamat ng Pamitinan. Iisang paa  na  lamang  ang  nakagapos pa ng tanikala! Humahakbang na siya, tayong lahat, papalabas mula sa yungib ng kadiliman, yungib ng kawalang-malay sa tunay nating kaisahan, sama-samang sisigaw ng paninindigan sa kalayaan, at sama-samang maglalakbay patungong liwanag ng kaisahan, kalayaan at kaginhawahan.

Ang liham na ito ay isang tangkang makapag-ambag sa katuparan ng maligayang pangarap na ito. Ang bawat makababasa ay hinahamong dumugtong ng sariling ambag sa ganitong pagsisikap. Tanggapin po ninyong lahat ang aking pasasalamat.

At pagkatapos ay dinukot niya ang kanyang cell phone at itinipa ang isang mensahe: lumabas na ang pahayag: ‘libu-libong kopya ang ipinapamahagi ngayon nila dito sa skwela ni Liza.  nagtagumpay tayo.’

Pagkatapos maipadala ito, nagsimula si Ellen na lumikha ng isa pang mensahe sa kanyang cell phone.

*   *   *

Samantala, may napuna si Orly, at niya napigil ang magtanong sa kasintahan.

“Love, ba’t di mo binasa yung message? Sigu­rado ka bang sina Prof. Aguila ‘yon at minamadali lang tayo?”

Ba’t nga ba?  Teka, di nga kay Ma’am Annie nanggaling ‘to! Number lang eh… heto, teka, basahin ko nga muna… Naku!!!!  Orly!!!”

Namutla at di halos nakagalaw si Liza.

“Bakit? Ano’ng sabi?”

Ipinasa ni Liza ang cell phone kay Orly at namangha ito sa nabasang mensahe:

LIZA C ELLEN E2 NAKIKITXT LANG ME. NWALA CELFON KO. NASUNOG KSI BAHAY NAMIN. NASA ICU PA MAMA KO. SUNÓG LAHAT PATI KNOPYA MONG ALIBATA. BUTI NAIPASA MO NA SA MEDIA.

 “Dali, Orly! Baka naiinip na sina Ma’am Annie! Kailangang makita n’ya agad ‘to!”

*   *   *  

wakas


nakaraan