TASYÒ:
NGAYON NA BA ANG BUKAS
SA HABILIN NG PANTAS?
Kabanata 1:
Eleganteng
Paanyaya
“Malugod
po kayong inaanyayahang dumalo sa isang press conference
ukol sa…”
“Bakit
Tagalog ‘yan? Dapat English ang imbitasyon!”
“Ayoko!
Mas elegante ang tunog nito!
Heto, pakinggan mo muna kayâ nang buô, ‘no?! --
‘Malugod po kayong inaanyayahang dumalo sa isang press
conference ukol sa isang mahiwagang mensahe na natuklasan ng
Dalubhasaang Unibersal ng Pilipinas. Ayon sa- ”
“Teka!
Bakit pati pangalan ng ‘skwela natin tinagalog mo???”
“Basta
pakinggan mo lang muna! Nasa’n na ba ako?
‘…Dalubhasaang Unibersal ng Pilipinas. Ayon sa
pagsusuri ng mga dalubhasa, ang mensahe ay nagmula pa sa panulat
ng isang tauhan ng isang napakabantog na nobela, si Pilosopong Tas-
”
“Naku!
Di pwedeng ganyan. Parang alam mo na ang desisyon ng Special
Committee of Experts, parang tiyak ka nang ang sasabihin nila’y authentic -- totoo ang dokumento, na
mayroon ngang natuklasang
importante ang nagmamagaling na ‘dean’s pet’ professor
natin. Eh papano kung ang desisyon ng Committee of Experts ay…
hahaha! …peke at likhang-isip lang ng ‘studyante ni Miss
Aguila ang sinasabi niyang mensahe ni…
Ay, Good Morning, Ma’am!” Pumasok si Dr. Virgie.
“Good
morning, girls! Okey na ba ang invitations natin para sa presscon?”
“Yes,
Ma’am, tinatapos na namin, gusto po n’yong pakinggan?”
“No,
I’m in a hurry, tapusin n’yo na’t nang maipadala na sa media
offices. I have to
rush to a meeting. Where’s the folder on the Bendix Proposal? I
have to bring…”
“Pero
Ma’am! Kayo po ang pipirma rito!”
“Oh,
yes! You’re right! Bring it to the Conference Room in five
minutes! Just make sure tama ang English niyan, kahiya-hiya ang
school natin kapag mali-mali ang grammar…”
“Ma’am,
tinagalog niya! ‘Malugod na inaanyayahan…’ Di ba dapat
English?”
“Hmm...On
second thought, why not Tagalog? Sige, Elsie, tapusin mo na’t
iakyat mo for my signature. I must go now… Where’s that
folder?”
“Ma’am
pati pangalan ng school natin tinagalog niya!!!”
“What???
Oh, don’t do that naman!!!”
“Kasi,
Ma’am, parang ketchup daw sa tunog yung Universal Colleges
Foundation – UCF tamis-anghang… joke!”
“Uy,
hindi ko sinabi yon, ha! Hindi
talaga, Ma’am!”
“Kaya
nga sabi ko naman ‘joke lang,’ eh!”
Nainip
sa sagutan ang boss nila. “Anyway, I have to go now. Isunod na
lang n’yo yung Bendix folder. Sige, Elsie, invite everyone…
Ka-blag!
“…important
in the media!”
Tapos,
bumulong siya sa sarili, “Teka, bakit ko pa ba itinuloy ang
sentence ko eh nasa labas na ako ng room at – hi-hi-hi! – wala
na akong kausap? Oh,
well! The pressure of this work is driving me crazy! I think I
need a break! Pero
later na! Now, I must hurry!”
Samantala,
sa loob ng iniwan niyang opisina…
“Imbitahin
daw lahat? Narinig mo
‘yon? Sabi ni Ma’am imbitahin lahat?
Andami n’on! Pagkarami-rami n’on! Pero yun ang sabi
niya, di ba? ‘Invite
everyone!’ Alam ko na! Yung karamihan, sa e-mail blast na lang!”
“Basta
tapusin mo na muna ‘yan, ilinaw mo uli kung ipinapaimbita nga
niya ang lahat. O, ituloy mo na iyan. Palitan mo muna ‘yang
pangalan ng school! ‘Universal Colleges of the Philippines
Foundation dapat! Tatagalugin
mo na rin lang ang pangalan ng school natin, mali pa!”
“Pano
ba dapat kung tatagalugin?”
“Kolehiyo
ng Sanlibutan sa Pilipinas! Kasi, K.S.P. naman itong school natin
– kulang sa pansin.”
“Aba,
huwag naman buong Universal ang sabihin mong KSP, di naman tayo
puro mga Dr. Regalado rito!”
“Hoy,
marinig ka d’yan! Maraming tenga ‘yun dito!”
Nagtawanan
ang dalawa.
*
* *
|