ding reyes books:

TASYÔ NGAYON NA BA ANG BUKAS

SA HABILIN

NG PANTAS?

2009

 


           

 ..

 

MGA BAHAGI:

['Pindutin' ang 'bolang asul.']


Pambungad na Tagpô

Sa Bahay ng Pantas (Batay sa Kabanata 25 ng Noli Me Tangere)


Kabanata 1

Eleganteng Paanyaya


Kabanata 2  

Mag-worry Tayo! 


Kabanata 3

Mahiwagang Kasulatan


Kabanata 4

Pahalagahan ang Katagang... 


Kabanata 5

Kathang-isip 

ang Noli?


Kabanata 6

Ang mga Pinóy Kasi!


Kabanata 7

Walang banô

sa mga Jedi  


Kabanata 8

Teka, baka 

hindi 'Tasyo'! 


Kabanata 9

Nagkaligáw-ligáw 

ng Landás


Kabanata 10

Pressscon ba o Paglilitis?


Kabanata 11

'Ilabas n'yo ang Kwadro!!!'


Kabanata 12

Hiwaga sa Kasimplehan 


Kabanata 13

Anong 'Jury'??? 


Kabanata 14

Susunod pang Henerasyon?? 


Kabanata 15

Kailangan ang Sapat na Dami 


Kabanata 16

Isang paa na lang... 


Kabanata 17

Habilin para sa lahat 


Mga Dagdag


Naunang mga Akda 

ni Ed Aurelio Reyes 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

TASYÒ: NGAYON NA BA ANG BUKAS SA HABILIN NG PANTAS?

 Kabanata 8: 

Teka, Baka Hindi 'Tasyo'!

Pagkatapos masabi iyon, si Annie na ang nagdagdag ng pagpuna…

“Ang problema natin, kanya-kanya nga tayo… Many of us no longer know the pronoun, “tayo”!  Importanteng pronoun iyon! Importanteng kataga ang ‘tayo’!  And I am not talking grammar here, I’m referring to a sense of nationhood that we ought to have, tama ka— like the Koreans are said to have.  We need a sense of collectivity in our view. Kailangan nating i-memorize ‘yon --  Tayo! Tayo! Ta —” 

Biglang-biglang tumigil at napatahimik si Annie. 

Malaking gulat at pagtataka naman ang naghari kay Wilma.  Kaya’t di niya napigilang magtanong. “O, why? Did I say something wrong again?  Eh wala na nga akong kakibu-kibo rito, ah! Puro ikaw na lang ang…”

“No, hindi ikaw… may naalala ako… may biglang umilaw sa utak ko. Kailangan kong ma-contact si Liza right now!  May load ka pa ba for a call? Pang-text na lang kasi ang load ko, eh! I need to reach Liza right now.  Please?”

“Sure! Here’s my cell, o!”

*   *   *

Makalipas ang kalahating minuto pang katahimikan, nagsalitang muli ang kanilang gabay.

Walang kakibo-kibo ang lahat.

“Ang bago n’yong captain ball, ang ba­gong tagakumpas sa inyong mga personal na kalooban at galíng, para maging matinding galíng ng buong Jedi Skywalkers  team ng  Universal, ay si…     Mr. Philosopher and Poet kunó, Jedi player number 14, Orlando del Rosario!”

Halatang nagulat ang lahat. At halatang ang pinakagulát na gulát ay si Orly mismo.  Unang tumayo at bumati sa kanya si Roland, inunahan pa si Coach Alvarez.

At ang kanilang mga pagkakamayan ay pina­lakpakan at sinaluhan ng lahat.

“Good luck, Bro’!

“Congrats, Orly”

Sagot niya, “sama-sama tayo dito, mga ‘tol!”

May dagdag ang pagbati ni Monchie, “Muk­hang nakahataw ka ng three-point-play today, ah! Congrats, ‘tol!  Kahit mga bangkô tayo nina Edil… oops! Bawal na nga palang sabihin o isipin ‘yon, kahit birò.”

“Oo nga,” sabat ni Edil, “at kung sakaling ibi­biro mo pa rin ‘yan, ikaw na lang! Huwag mo na kaming idamay! Hahaha!”

“Wala ka bang sasabihin, Del Rosario?” ta­nong ng coach.

“Oo nga, konting acceptance speech naman d’yan!” segunda ni Roland.

Tumayo si Orly at pinalakpakan. Marahan muna siyang nagkamot ng ulo, at pagkatapos ay ngumiti nang buong galak sa isang nabuo sa kanyang isip.  At kaagad niyang isinigaw ito.

“The Force be with us!” 

Palakpakan.

“The Force be in each of us!”

Palakpakan ulit.

“The Force be in our teamwork!  The Force is us—tayo mismo ang puwersang mana­nalo… sa masayang mga exciting na laro!”

Ilang saglit na naghari bago magkasabay ang palakpakan at halakhakan, at ang lahat ay isa-isang lumapit upang yakapin si Orly, si Roland, si Coach, at lahat ng iba pa.

Hanggang sa yayain sila ng malakas na tinig ni Monchie. “O, balik na sa inuman! Sagôt daw ni Orly ang susunod na round!”

“Naku! ‘La akong pera, ‘tol!” bulong ni Orly sa katabi.

“Ako’ng bahala sa ‘yo, ‘tol!” sagot ni Monchie 

“Ako rin, tutulong din ako sa blow-out mo, ‘tol,” sabat ni Edil, at dinagdagan pa ng “h’wag mo nga uling sasabihin yang ‘wala kang pera’ kahit biro, ‘no?! May pera ka na! di pa nga lang dumarating! Natrapik lang siguro! Hahaha!”

*   *   *

Ilang saglit pa, kausap na ni Annie ang studyante niya.  “Liza, si Annie ito. About the word ‘Tasyo’ in the message. Di ba, we had decided that it was ‘Tasyo’, not any other name, much less the pronoun ‘tayo’. Di ba, we ruled that out because it appeared illogical for a message like that to point out ang importance ng isang very common word! I’m now having second thoughts…”

Sumagot si Liza. “Yes, Ma’am!  Sabi mo pa nga, bakit masyadong elaborate writing naman ito, pinaghirapan pa talagang i-preserve, kung ang pahahalagahan lang palang salita ay yung “tayo” na napaka-ordinaryong salita naman…!

  “Mukhang napakaimportante rin yatang tala­ga ‘yong word na ‘yon. And although we still use it in conversation, many of us no longer feel it fully. Worse, many do not feel it at all anymore.”  Tumigil siya nang ilang saglit. “Unless papatulog ka na ngayon, pakitingnan mo nga uli.”

“Pero, Ma’am, di ba too late na para guma­wa pa tayo ng anumang adjustment? Nai-submit na natin ‘yon kina Dr. Margallo at Dean Regalado…”

Excited at maagap ang sagot ng guro. At tila desidido na siya sa nais n’yang mangyari. “I know we have submitted our reading of the enitre message, pero pwede pa nating ilinaw sa presscon bukas.  Yes, pwede ring patay-mali, basta na lang baguhin natin kung mabibigyan tayo ng chance na basahin ang buong message.  Yes, we can even create that opportunity our­selves.”

Hindi maintindihan ni Wilma ang usapan. “Sabagay, kalahati lang ng usapan ang naririnig ko,” wika niya sa sarili.  Ang hindi niya alam, di rin ganap na naiintindihan ni Liza ang sinasabi ng kausap.

Nagpatuloy si Annie, “Buti’t gising ka pa! Di makatulog dahil in-love?  Hehehe!  Ah, naghuhugas ka pa ng plato? O sige… see you tomorrow!”

Nagulumihanan si Wilma, “Now what was that all about?”

“What was what all about? Your second thoughts, The word “tayo” being important, after all?” 

“Mahabang kwento yan. Pero tungkol pa rin sa problemang pinag-usapan natin kanina over lunch.”

“That ‘alibata’ thing?”

“Baybayin. May importante kasing insight akong nakuha dahil sa usapan natin just now. Thanks to you! Salamat at binigyan mo ako ng rasón na sabihin, at ipagdiinan pa nga, ang importansya ng katagang ‘tayo’.”

“Did I cause your problems to worsen?”

“Naku, hindi! May lalo pa ngang naglili­wanag, eh! In fact, crucial enrichment sa dati naming interpretation.”

“So, nakatulong naman pala ako, kahit papano.  O… forgiven na ako, ha?” Tumawa siya.

Nahihiyang nakitawa si Annie. Nag-‘apiran’ ang matalik na magkaibigan.

“Pero maiba tayo.   Kumusta na si Miss In-love?” tanong pa ni Wilma.

“Hayun! Dishwashing daw. Papatulog na raw. I wish her luck.”

“Sa paghuhugas ng plato? Mahirap ba naman ‘yon??” 

“Hindi sa paghuhugas! Sa pagsisikap na makatulog na after that! Mahirap kasing maka­tulog when you’re trying too hard na maktulog.  At mahirap talagang makatulog ‘pag maraming exciting na nangyayari sa iyo, at may anxieties ka pa about the morning after.”

“At mukhang may pumasok na ngang bagong chapter sa kanyang love-life, hahaha!”

*   *   *


nakaraan   itaas   susunod

 THIS PAGE HAS BEEN VISITED  533  TIMES SINCE IT WAS UPLOADED ON MARCH 26, 2010.