TASYÒ:
NGAYON NA BA ANG BUKAS
SA HABILIN NG PANTAS?
Kabanata
12:
Hiwaga
sa Kasimplehan
Sa
inis ni Dr. Regalado, naging sarcastic na siya sa pagpapatuloy.
“Pwede na po ba akong magpatuloy, Your Honor?”
Hindi
pinansin ng moderator ang pasaring. Ngunit sinagot niya ang tanong.
“Proceed.”
“So,
as I was saying, the chronology from my point of view started with
our History Professor Annie Aguila showing me a photocopy of
some writing which she said was in the original alibata.
How she got it and why she was showing it to me will be best
explained by the professor herself.”
Iniabot
kay Prof. Annie ang mikropono… “Thank you! First of all, I
have to tell you clearly that neither I nor my student in
Philippine History, Miss Liza Padilla,
is
claiming
anything
about
the authorship of this manuscript, wala pa kaming katiyakan
tungkol
sa
talagang
pinagmulan
ng mensaheng ito. Sa pagbanggit nga
lamang sa ilang tauhan
at
eksena
ng
nobelang
Noli Me Tangere ni Gat Jose Rizal, tila nais
palabasin ng sumulat na siya ay si Pilosopong Tasyo…”
Paismid
na sumabat si Dr. Margallo: “…na isa namang fictional creation
ni Rizal, the author of the Noli…
Si
Dr. Regalado naman ang di nakatiis at pumasok. “Hmmm…
moderator interrupts to editorialize! Nagsisingit ng sariling
opinyon!”
Na
di naman pinalampas… “Hindi opinyon! Fact naman yon, na
kathang-isip lang ni Rizal ang nasa Noli!”
“Tila
di naniniwala si Dr. Margallo kay Rizal mismo. Sinabi ng ating
bayani na totoong lahat ng nasa Noli at
mapapatunayan raw niya ito. Anyway, why don’t we let Prof.
Aguila continue her presentation? Dr. Aguila, please
continue…”
Nagpatuloy
nga ang guro.
Ang napakamahiwaga rito ay ang laman mismo ng mensahe, at
ang nakuha naming impormasyon
na lolo pa sa tuhod ni Miss Padilla ang dating nag-iingat
nito. Which implies na matagal na rin itong naisulat, kung sinuman
nga ang sumulat.
Mahiwaga ang mensahe dahil sa
kasimplehan
niya.
Nakakapagtaka
kung bakit ang napakasimpleng sinasabi ng mensahe ay
ginugulan pa ng napakalaking effort para mapreserba at mapaabot sa
ngayon o sa future pa.
“Napakalaki
nga ng hirap ni Prof. Annie sa pag-intindi sa nakasulat,” wika
ni Dr. Regalado, “dahil sa baybayin ay wala
ang tahimik na pantig, at ako, tulad ninyong kasalukuyang
mga salinlahi ay pinanawan na ng sapat na talinong ginamit ng
ating mga ninuno sa pag-uunawa sa ganito.
“Hindi
madaling mapagpilian ang mga katagang bala, balat, balak, balam,
balang, balag at pati bakla kung wala ang ganitong talino ng ating
mga ninuno,” pasok uli ni Prof. Aguila, “sapagkat sa baybayin,
sa kanilang panulat, ay pare-pareho lang ang ispeling, ang
pagkakasulat ng lahat ng mga katagang iyon! Alam n’yo ba na ang
katagang “ang” at ang katagang “at” ay magkapareho lang
ang itsura sa baybayin?
Pero pinagtiyagaan ko hanggang matapos, pinagpuyatan ko
halos gabi-gabi, nakaubos ako ng balde-baldeng kape, dahil sa ang
nabubuo ay malinaw na malalim ang kahulugan ng mensaheng ito.
Nadama kong napakaimportante ng mensaheng ito, sinupaman ang
sumulat!”
May
bahagyang pagngiti si Dr. Margallo nang magpukol siya ng bagong
tanong.
“Curious lang ako, Professor, did you or did your student
or did you both see the movie or read the novel, DaVinci
Code? Hindi kaya naimpluwensyahan lang ng isinulat ni Dan
Brown na kanyang imagination…?
Inis
na inis si Dr. Regalado. “The moderator is again interrupting
with irrelevant and maliciously leading questions, I mean,
conjecture! Di ba ikaw pa nga ang umaastang judge dito as head of
the Committee of Experts? Bakit ba di ka makatiis at lagi mong ini-interrupt
si Prof. Aguila? Makinig muna tayong lahat! Mamaya, make your own
presentation! Sir!!!”
*
*
*
|