ding reyes books:

TASYÔ NGAYON NA BA ANG BUKAS

SA HABILIN

NG PANTAS?

2009

 


           

 ..

 

MGA BAHAGI:

['Pindutin' ang 'bolang asul.']


Pambungad na Tagpô

Sa Bahay ng Pantas (Batay sa Kabanata 25 ng Noli Me Tangere)


Kabanata 1

Eleganteng Paanyaya


Kabanata 2  

Mag-worry Tayo! 


Kabanata 3

Mahiwagang Kasulatan


Kabanata 4

Pahalagahan ang Katagang... 


Kabanata 5

Kathang-isip 

ang Noli?


Kabanata 6

Ang mga Pinóy Kasi!


Kabanata 7

Walang banô

sa mga Jedi  


Kabanata 8

Teka, baka 

hindi 'Tasyo'! 


Kabanata 9

Nagkaligáw-ligáw 

ng Landás


Kabanata 10

Pressscon ba o Paglilitis?


Kabanata 11

'Ilabas n'yo ang Kwadro!!!'


Kabanata 12

Hiwaga sa Kasimplehan 


Kabanata 13

Anong 'Jury'??? 


Kabanata 14

Susunod pang Henerasyon?? 


Kabanata 15

Kailangan ang Sapat na Dami 


Kabanata 16

Isang paa na lang... 


Kabanata 17

Habilin para sa lahat 


Mga Dagdag


Naunang mga Akda 

ni Ed Aurelio Reyes 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

TASYÒ: NGAYON NA BA ANG BUKAS SA HABILIN NG PANTAS?

 Kabanata 13: 

Anong 'Jury'???

Tumutol ang isang reporter, “But that’s a good question to ask! Medyo out of order nga lang yata. But he is the moderator and he did not rule himself out of order, so… can the jury take that into consideration?”

Si Prof. Aguila naman ang nagpuyós. “Ano bang ‘jury’ ang pinagsasasabi mo??? Presscon lang sabi ito, eh! Anyway, I am going ahead with my presentation. Please don’t anybody interrupt me again, pati po kayo, with all due respect, Dr. Margallo! Para matapos na itong…”

Pero humirit pa ang reporter. “Question! Sabi mo, Ma’am, lolo sa tuhod ni Miss Padilla ang nagtago niyang manuscript. May pinirmahan ba at sinumpaan ang sinuman para patunayang ganoon nga ang nangyari, under risk of being cited for perjury? Ano talaga ang pinanghahawakan n’yo na luma na ngang talaga ang dokumentong iyan?  May papel ba kayong tatayo sa korte?”

Naimbyerna na nang todo si Prof. Aguila.

“I am not entertaining any questions now as I just said. Itutuloy ko muna itong… sige, okay, okay! Papatulan ko na rin nga muna ‘yang tanong mo. Ano ang pinanghahawakan namin tungkol sa pinagmulan ng manuscript? Ang salita ng Lola Tinay ni Liza Padilla. Sa kinalakhan kasi niya’y mapanghahawakan pa ang salita ng mga tao, sabi nga, may isang salita sila, at sabi nga sa Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto, ‘sa taong may hiya, salita’y panunumpa.’ 

“Ang kinasanayan ng mga kababayan natin noong unang panahon, lalo na sa mga probinsya, ay ang pagkakaroon ng isang salita, ng marangal na pangungusap. Nagpapakatao pa sila noon! Ngayong halos wala nang karangalan laluna sa mga cities, kahit isandaan pang beses pirmahan at sumpaan ay maaari pa ring sinadyang kasinungalingan, kahit nasa pirmadong mga balita sa dyaryo… o laluna nga kung balita sa dyaryo! Anyway, this honor-system framework is seriously being considered for adoption by promoters of oral and local historiography. In a recent conference at De LaSalle…”

Pinutol siya ni Dr. Margallo, “May I remind Prof. Aguila not to insult the members of the press during a press conference like this one? Let’s have some decorum and common sense here…

Mabilis ang sagot ni Prof. Aguila: “And I suggest that you infuse some order in this forum, Dr. Moderator, that’s the first common sense point we need here! The honorable judge has not been sensitive to the gravity of meticulous work I had to do on this…   allowing all my efforts to be… grossly insulted…” nagsimulang gumaralgal ang tinig niya… “insulted by questions shot out-of-order by that reporter as allowed by the ‘honorable’ moderator…” Nagtaas na siya ng boses. “Ayoko na! Bakit pa ba ako nag-aabalang magpaliwanag sa inyo???”

Sinikap siyang kalmahin ni Dr. Regalado. “Prof. Aguila!”

Ayaw namang kumalma ng propesora. Bigla siyang tumayo. “ More­over, I want to declare that I am walking out right now. Kalokohan na ito! Dr. Margallo, hilaw pa ito! The school’s prestige and your own standing here can be better served if we…  aw, never mind!”   Naglakad siya patungo sa paglabas.

Nakikiusap na si Dr. Regalado. “Prof. Aguila! Please come back to your seat and finish your presentation!”

“Tapos na ako, Sir! Ayoko na! And please don’t subject Miss Padilla to the same shabby treatment…  Mabuti pa siguro, Liza, lumabas ka na rin…” at umabot na siya sa pintuan. Pagkalabas niya’y  pabagsak pa niyang  isinara and pinto.   May isang reporter namang humabol pa ng isang kuha kay Annie pero sarado na ang pinto nang napakislap niya ang flash ng kanyang dalang camera,

Sumunod ang isang maikling tensyonadong katahimikan. Binasag ito ng malambing na tinig ni Vice President Abad, na may pilit na ngiti habang nag-aalok… “We have more coffee for all!” bigla siyang napasulyap sa maraming tao sa auditorium. “I mean, to all media people in this press con. Plus you, Miss Padilla, and...”

Nagsalitang muli si Dr. Regalado. “Our press conference will continue, ladies and gentlemen, we still have Ms. Padilla, and I hope she will not be driven to walk out by the same lousy moderating that irritated our first resource person. Napaigtad ang katawan ni Dr. Margallo pero di siya kumibo. Wala namang damdamin sa mukha ni Liza. 

“So, Miss Padilla, dumirecho na kaya tayo sa chronology of events. In brief, paano tayong naka­rating dito? Paanong nag-umpisa ito? Dati ka na bang interesado sa pagbabasa ng alibata?” “Lumaki po ako sa California at Junior High School na ako nang umuwi sa Pilipinas ang pamilya. Doon ako unang nakakita ng mga Pinoy artwork na may mga nakalagay na tinatawag nating ‘alibata.’ Doon nagsimula ang interes ko. Natuwa kasi ako’t meron din naman pala tayong malalalim na ugat sa ancient indigenous culture. Pagdating ko sa St Mary’s high school, naghanap ako ng references pero halos wala akong makita. At that time, nahihiya pa nga ako sa sarili ko. Pinay ako pero mas alam ko pa nga noon ang history ng mga Amerikano kaysa sa history natin. Yon… ganoon po nagsimula.”

Magsasalita ako ngayon kahit na iniwan na ako ng aking guro – napilitan siyang lumabas dahil sa kawalang-galang ng ilang narito.  Nag-decide ako to stay and make a presentation, dahil sa malaking kahalagahan ng mensaheng na-discover namin. Kailangan talagang makaabot ito sa mga taong…

Ipinaramdam agad ni Dr. Margallo na napakabilis niyang mainip. “Why don’t you go straight to the point, Miss Padilla?”

Patuloy si Liza… ”di na marunong na …”

Humirit pa si Margallo. “The reporters here have hectic schedules, you know!”

“… talagang magpakatao, at makipagkapwa-tao.  As we all just witnessed, biktima kanina lang si Propesora Annie Aguila, isang kagalang-galang na guro ng paaralang ito kahit wala pa siyang titulo ng doktorado.

*   *   *


nakaraan   itaas   susunod

 THIS PAGE HAS BEEN VISITED  365  TIMES SINCE IT WAS UPLOADED ON MARCH 26, 2010.