TASYÒ:
NGAYON NA BA ANG BUKAS
SA HABILIN NG PANTAS?
Kabanata
16:
Isang
Paa na Lang
“Buo
ang aking paniniwala na darating at darating ang araw…”
At
ang nagpatuloy ay ang tinig ng matandang lalaki… “…ng ating
paglaya. Sa katunayan, tayo, ang ating kaisahan bilang
pinagsama-samang sari-sarili, ang tunay na Hari ng Katagalugan sa
dakilang alamat ng Pamitinan. Iisang paa na lamang ang nakagapos
pa ng tanikala! Humahakbang na siya, tayong lahat, papalabas mula
sa yungib ng kadiliman, yungib ng kawalang-malay sa tunay nating
kaisahan, sama-samang sisigaw ng paninindigan sa kalayaan, at
sama-samang maglalakbay patungong liwanag ng kaisahan, kalayaan at
kaginhawahan.
“Ang
liham na ito ay isang tangkang makapag-ambag sa katuparan ng
maligayang pangarap na ito.” Lumitaw uli ang pigura ni Tasyo sa
animo’y namamalikmatang mga nanonood. “Ang bawat makababasa ay
hinahamong dumugtong ng sariling ambag sa ganitong pagsisikap.
Tanggapin po nawa ninyong lahat ang aking pasasalamat.”
Ilang
saglit na lilitaw muli sa paningin ng lahat ang pigura ng
matandang lalaki na yuyuko sa kanila sa isang magalang na
pamamaalam.
Halos
naglundagan ang mga press sa pagtatangkang makunan siya nang
litrato sa mga dala nilang camera at cell phones. Kislapan ang
flash nila. Ngunit naglaho agad si Tasyo.
Nagulat
naman ang mga kumuha. “Walang image???”
“Hindi ko rin nakuha!”
“Wala???” “Wala
rin sa akin!!” “Bakit
wala???” “Mahiwaga talaga ito, ah!”
“O, nasa’n na ba siya?” “Nawala! Biglang nawala!”
* * *
Sumunod
rito, lumitaw sa entablado si Dr. Villaseñor, pinuno ng
pamantasan, at ang kanyang alalay.
Nagsimula na silang lumabas. “Uuwian na! walang himala!
Walang nangyari! Namalikmata lang tayong lahat! Sleepwalking lang
tayong lahat!!!
Ginamit
ng alalay ang flash ng sarili niyang cell phone camera. Ginagaya
ang isang eksena sa pelikulang Men in Black o MIB,
itinuro niya ang kanyang kamera sa mga reporter at maraming tao,
at pinakislapan sila ng flash nito, sabay sabi ng
“You
will all forget this”
Gumaya
silang lahat sa kanya, animo’y ganap ngang napailalim sa
hipnotismo ni Robles.
“We
will forget this”
“Wala
na kayong matatandaan…”
“Wala
na kaming matatandaan… pero…”
“Pero…
?”
“Wala,
nalimutan ko, di bale na lang!”
Kinamayan
ni Dr. Villaseñor and kanyang alalay.
Sige,
magsiuwi na kayo! Sa pag-alis ng mga taga-media, aalis na rin ang
dalawa..
Titingnan
ni Robles and audience. “Kayo rin, lumabas na rin kayo! Bakit ba
and’yan pa kayo?”
“Oo
nga, eh bakit nga ba kami napunta rito?”
*
* *
Magkaakbay
nang naglalakad sina Liza at Orly palayo sa auditorium. May
natanggap na text message si Liza mula kay Annie. Naroon daw sila
ni Wilma sa Figaro coffee shop sa tapat at pinapapunta siya roon
para magkwento. “Saka na lang ‘yan!” sabi ni Liza sa
cellphone. Nagtanong
si Orly kung ano yon! Sinabi
ni Liza. Iminungkahi naman ni Orly, dumaan na rin sila para bumati
man lang bago manood ng DaVinci Code sa malapit na
sinehan.
“Sige,
pero sandali lang ha!” pakiusap ni Liza, “Baka ipakwento nila
ang lahat ng nangyari pagkatapos ng walkout niya.
“Eh
di ikwento mo!” sagot ng binata.
Naku,
wala na akong natatandaan eh” pagdadahilan ni Liza, sabay tawa,
“di nga ba’t lahat tayo’y wala nang raw maaalala?”
Tawanan
sila.
Sumeryoso
si Orly,“Paano na lang pala ang misteryosong mensahe kung wala
rin palang makakaalala?
Bahala
na si Pilosopong Anastasyo…
titiyakin niyang may ilan man lang diyang tinablan at
makakaalala ng mensahe niya, kahit papano!”
At
kung di nauukol sa generation natin ngayon dahil di pala tayo
karapatdapat, eh di sa generation na ng mga magiging baby natin!
Huy,
ambilis mo naman! Kahapon pa nga lang tayo naging ‘tayo’ a…
tapos mga baby na kaagad!
Sabay
pa sila sa yayaan. “Tara na!
Hahaha!”
Tumunog
ng message alert ang cellphone ni Liza. “Andyan na! Andyan na!”
Tawanan muli.
*
* *
|