ding reyes books:

TASYÔ NGAYON NA BA ANG BUKAS

SA HABILIN

NG PANTAS?

2009

 


           

 ..

 

MGA BAHAGI:

['Pindutin' ang 'bolang asul.']


Pambungad na Tagpô

Sa Bahay ng Pantas (Batay sa Kabanata 25 ng Noli Me Tangere)


Kabanata 1

Eleganteng Paanyaya


Kabanata 2  

Mag-worry Tayo! 


Kabanata 3

Mahiwagang Kasulatan


Kabanata 4

Pahalagahan ang Katagang... 


Kabanata 5

Kathang-isip 

ang Noli?


Kabanata 6

Ang mga Pinóy Kasi!


Kabanata 7

Walang banô

sa mga Jedi  


Kabanata 8

Teka, baka 

hindi 'Tasyo'! 


Kabanata 9

Nagkaligáw-ligáw 

ng Landás


Kabanata 10

Pressscon ba o Paglilitis?


Kabanata 11

'Ilabas n'yo ang Kwadro!!!'


Kabanata 12

Hiwaga sa Kasimplehan 


Kabanata 13

Anong 'Jury'??? 


Kabanata 14

Susunod pang Henerasyon?? 


Kabanata 15

Kailangan ang Sapat na Dami 


Kabanata 16

Isang paa na lang... 


Kabanata 17

Habilin para sa lahat 


Mga Dagdag


Naunang mga Akda 

ni Ed Aurelio Reyes 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

TASYÒ: NGAYON NA BA ANG BUKAS SA HABILIN NG PANTAS?

 Kabanata 6: 

Ang mga Pinoy Kasi!

Kinagabihan, magkakasama sa isang beerhouse sa Sampaloc ang buong Jedi Skywalkers, ang varsity basketball team ng Universal Colleges of the Philippines. 

Masayang nagbibiruan ang mga magkakasama sa koponan habang naghihintay sa kanilang coach na nakatakdang ianunsyo sa kanila noon na mismo kung sino ang napiling maging bago nilang captain ball matapos matanggal sa puwesto ang dating captain ball dahil sa pakikipagsuntukan sa isang manlalaro ng kabiláng team.

Pero may ibang paksa si Orly sa masayang pagbulong niya sa katabing si Monchie, na kapwa niya manlalaro at matagal nang kabarkada. 

“’Tol. Sinagot na ‘ko ni Liza!” 

“Ha???” gulat ang unang reaksyon ni Monchie bago naghabol ng biro. “Paano kang sinagot, puro ligaw-tingin ka lang naman?  Ano’ng ginawa mo?  Nilasing mo? Tinutukan mo?  Uminom ka para magkalakas-loob na pumorma na nang seryoso?”

*   *   *

Samantala, sa Makati, masayang naghuhuntahan sina Annie Aguila at kaibigan niyang kaba­baliklang mula sa Korea.  

“Ang sarap namang buhay nito!  Sine na nga tayo kanina, may blow-out ka pa ngayon!  At masarap din pala ‘tong Korean food! Kung di pa ako nagkaroon ng balikbayang best friend na Koreana na yata ngayon…” tumawa si Annie, “hindi ko pa matitikman itong… ano na nga’ng tawag dito???” Tumawa silang pareho.

Kim-chi iyan!  Sobrang nagustuhan ko ‘yan sa Seoul!  Kaya nga tayo dito sa Makati Avenue area pumunta dahil k’wan na ‘to ngayon… Korean colony sa loob ng Pinas! Dito ko unang natikman ‘to!”

“Pero thanks talaga, Wilma, you’re really my best friend. Kunwari ka pang you needed na mai-share ang mga experiences mo sa Seoul, pero halata namang gusto mo lang akong aliwin sa nase-sense mong panic na nabubuo na sa utak ko!”

“Well, totoo naman na I want to share what I discovered about Koreans na maganda siguro kung magaya ng mga Pilipino. You’d be surprised to hear that I found—precisely what’s lacking among Filipinos!”

“Ano, pera??  Mga Jewels in the Palace, gano’n?  By the way, ‘pinapalabas din ba r’on yung Jumóng?

*    *    *

Hindi na naghintay pa ang kabarkada ng anumang sagot mula kay Orly.  Sumigaw ito para marinig ng lahat—“May syota na si Orly!!! Yeheyyy! Palakpakán natin! Normál na ‘tong katropa natin!”

May ilang pumalakpak. Mas marami ang nagtanong. “Ano raw?”

Di napigilan ni Orly ang malakas na pag-uulit ni Monchie sa kanyang balita, “May syota na si Orly! Tasyó na niya si Liza! Yung bespren niyang iskolar!

“Talaga???! Gulat na tanong ng katabi nilang si Edil. “May ‘tinatago rin palang asim ‘tong si Orly.  Alam kong marami siyang natitipuhang pormahan dito sa Universal, pero ang alam ko d’yan, pasulat-sulat lang siya ng mga poems. Tapos di naman siya nagkalakas ng loob na ibigay kay…  Sinu-sino na nga yung…”

Sumaló si Monchie “Si Anna, si Lorna, at si Fe… atsaka si kuwan, atsaka si ano… at… atsaka… hahaha!” 

May mga nakitawa sa paligid nila. Pero biglang tumahimik ang lahat nang pumasok sa beerhouse ang hinihintay nilang…

“Coach! Dito ka na, Sir! May baso ka na rito!  May tagay na!”

May nag-imbitang iba pang grupo ng mga manlalaro mula sa ibang bahagi ng beerhouse. “Sir! Dito, dalawa na ang baso mo! Hahaha!”

Kumibo rin si Monchie.  “Coach, dito ka na sa mesa namin nina Orly! Dito, walang  contender sa pagiging captain ball!  Kasi, mga banô kaming players, at mas malala pa si Orly-- mas philosopher at romantic poet kaysa basketbolista. At lover boy na rin ngayon! Hahaha!”

Noon lang nakitawa si Coach Alvarez. “Wala naman talagang contenders para maging captain ball ng Jedi. I mean wala na. Napili na nga kasi ang bagong captain ball. Anyway… uupo muna ako at titikim lang uli nitong…  ahhh! Ang saraaap!”

Tahimik na pinanood ng lahat ang pag-inom niya. Naghihintay sa kanyang ibubunyag.  Sino kaya sa kanila ang napili?

*   *   *

 “Loka, hindi pera ang sinasabi kong ku­lang ng mga Pilipino!... hindi lang pera!” nagsalo pa sila sa isang mahabang tawanan.  “Mahal ng mga Koreans ang bayan nila! Narinig mo ‘yon???  Dito sa’tin, we tend to dismiss that as kakornihan, tapos we complain endlessly about the problems of the country. Sila, they really acted as one to save their economy from the pits!  Mare, pinili nilang bilhin ang Korean goods kahit hindi ‘yon ang pinakamura.”

At ikinwento pa ni Wilma ang ginawa ng dating presidente ng bayang iyon at ang ginawa rin ng mga mamamayan dahil may tiwala sila sa presidente nila. Pati mga mayayaman ay nag-ambag ng mamahaling mga alahas nila.

“Papaano nga, may tiwala nga sila roon sa presidente nila! Eh dito…???”

“Dito, wala nga tayong tiwala sa presidente, sa buong gobyerno, sa mga mayayaman, sa mga pulitiko ng administrasyon, pati sa mga pulitiko ng oposisyon!  … Ni wala na nga tayong tiwala at halos wala na ngang pakialam ang mga Pilipino sa isa’t isa, eh!  Kanya-kanyang pamilya na lang ang iniisip…”

“Oo nga…

“Why, Filipinos are so disgusted even with themselves! The trouble with Filipinos, nawala na sa kanila ang anumang sense of collectivity as a nation!”

“Teka, sandali, Wilma…  Bakit parang ihinihiwalay mo naman yata ang sarili mo? I noticed you  even used  the third-person  pronoun  ‘they’  to refer to us!  Bakit, iiwan mo na ba kami at magse-settle na sa Seoul sa piling ng mga Koreans na biglaan mo naman yatang naging mga idol?  Di ba iyan mismo ang sinasabi mong nawala na ang sense of collectivity? Parte ka ng cause n’yon???”

*   *   *


nakaraan   itaas   susunod

 THIS PAGE HAS BEEN VISITED  575  TIMES SINCE IT WAS UPLOADED ON MARCH 26, 2010.