ding reyes books:

TASYÔ NGAYON NA BA ANG BUKAS

SA HABILIN

NG PANTAS?

2009

 


           

 ..

 

MGA BAHAGI:

['Pindutin' ang 'bolang asul.']


Pambungad na Tagpô

Sa Bahay ng Pantas (Batay sa Kabanata 25 ng Noli Me Tangere)


Kabanata 1

Eleganteng Paanyaya


Kabanata 2  

Mag-worry Tayo! 


Kabanata 3

Mahiwagang Kasulatan


Kabanata 4

Pahalagahan ang Katagang... 


Kabanata 5

Kathang-isip 

ang Noli?


Kabanata 6

Ang mga Pinóy Kasi!


Kabanata 7

Walang banô

sa mga Jedi  


Kabanata 8

Teka, baka 

hindi 'Tasyo'! 


Kabanata 9

Nagkaligáw-ligáw 

ng Landás


Kabanata 10

Pressscon ba o Paglilitis?


Kabanata 11

'Ilabas n'yo ang Kwadro!!!'


Kabanata 12

Hiwaga sa Kasimplehan 


Kabanata 13

Anong 'Jury'??? 


Kabanata 14

Susunod pang Henerasyon?? 


Kabanata 15

Kailangan ang Sapat na Dami 


Kabanata 16

Isang paa na lang... 


Kabanata 17

Habilin para sa lahat 


Mga Dagdag


Naunang mga Akda 

ni Ed Aurelio Reyes 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

TASYÒ: NGAYON NA BA ANG BUKAS SA HABILIN NG PANTAS?

 Kabanata 14: 

Susunod Pang Henerasyon???

“Wala po kaming pinanghahawakang anumang sinumpaan at pirmadong dokumento na tatayo sa korte o sa isang press con na parang korte. Hindi pa namin masasabi, with full certainty, kung sino nga ba talaga ang sumulat nito at kung kailan ito isinulat ay kung bakit. Ang napakahalaga ngayon, sa aking palagay, dahil may press con na nga ngayon, ay maipaalam sa inyong lahat ang laman mismo ng mensahe para maipasa ninyong mga nasa mass media sa maraming Pilipino. May maitutulong ang mysterious message na ito sa lahat ng may bukas na pag-iisip at may sapat na kakayahang makaunawa.

The message does not predict anything that will happen, it just states what has to be done, na sa biglang tingin naman ay napaka-basic, parang napakasimple – ang mahihirapan lang siguro ay yung mga di marunong mag-Tagalog –  napakasimple po pero napakalalim!

“Whoever wrote this, na tila isang pantas, obviously spent much time and effort. Gusto raw niyang makarating sa panahong kasunod pa nga sarili niyang panahon. Hindi raw kasi mauunawaan ng mga contemporaries niya noong panahong isinusulat niya ito.

“Nabibigyan tayo ngayon ng pagkakataon, tayong nasa present generation, para malaman kung mahuhuli natin ang malalim na nilalaman ng mensaheng ito o kailangan pa bang hintayin ang pagdating at paglaki ng ating mga apo at baka sila pa ang makapagbibigay ng kaganapan sa nilalaman nito. Ngayon na nga ba ang bukas sa habilin ng pantas? Kaya na ba natin ito? O para talaga ito sa later generations pa?”

Inip pa rin ang napipilitang si Dr. Margallo. “Are you now going to read it?  Why don’t you  just proceed to read it without any more further editorializing?”

Sagot ng mag-aaral, “Nagpagawa ako ng mga photocopies pero kulang ang kopya para mabigyan ang lahat ng narito.” Ipinamahagi niya ang ilang kopya sa kalapit na mga reporter, pero kinulang.

May solusyon agad si Dr. Abad. “Miss Padilla, give me one clear copy. Staff ko na ang magpaparami. We’ll give out copies before you all leave. Elsie…!  Ipa-xerox mo nga ito and give a copy to everyone here…”

May dugtong din si Dr. Margallo. “So we can now end your presentation right now, at basahin na lang nila ang mga photocopies at para sila na lang ang humusga sa value nito.”

Inilapit muli ni Liza sa bibig niya ang mikropono. “Heto. Babasahin ko na po. Uhrmm!”

Sinimulan ni Liza ang pagbabasa…

Mulat sa katotohanan at kahalagahan ng kaisahan ng lahat, sa isip at diwa, sa salita at gawa, magpakatao at makipagkapwa-tao Tayo.

“Sa dinami-dami ng aking mga nabasa, isang katotohanan ang halos mawaglit na sa…”

Sa pandinig ng lahat ng naroon, tila tinig na ng isang matandang lalaki ang nagpatuloy:

“…aking kamalayan. Ito pala ang pinakamahalaga. Na tayo ay nilikha na kawangis ng lumikha. Na ang gayon ay kaloob sa atin ng Lumikha, at ang ganap na pagkakamit ng katangiang ito ay dapat namang ikaloob natin sa Kaniya. Ang gantimpala ay kaligayahan at kapanatagan sa sari-sarili at sama-sama nating buhay. Madalas nga lamang mangyari na sa salimuot ng araw-araw na mga gawain upang lumawig at gumaan ang buhay ay nawawaglit sa ating muni ang pinakamahalagang katotohanan kung bakit nga tayo isinilang at nabubuhay.

“Kailangan ang sapat na bilang ng ating mga kapatid na mag-aalay ng kanilang buhay sa kaparaanang gugulin ang pinakamahuhusay na sandali ng kanilang lakas at tatag ng diwa, katinuan at talas ng isip at kalusugan at sigla ng pangangatawan, upang matatag na harapin ang mahalagang mga hamon at tungkulin na nakabatay sa katotohanang ito.

“Ipabatid sa lahat ng maaabot na kamalayan na ang pinakamahalaga sa lahat ng gawain ng tao, sa ating mga tahanan at sa anumang laki ng pamayanan, ay ang ganap na magpakatao at ganap na makipagkapuwa-tao. Panatilihing lumalagablab sa kamalayan, kataga at gawa ng lahat ang diwa ng bayanihan. Kailangang sama-samang tuklasin, unawain, isabuhay at ipalaganap -- pangunahin sa kaparaanan ng gawa at sa kaparaanan din ng kataga -- kung paanong maisasabuhay ang pagpapakatao sa lahat ng iba’t ibang gawain nating magkakapatid sa bayan at pakikipagkapuwa-tao sa larangan ng pagsasaka at paghahatian ng inaani, sa larangan ng pangingisda at paghahatian ng huli, sa larangan ng pagtuturo at sama-samang pagkatuto, sa larangan ng pagkakalinga, pagpapahilom at pagpipitagan sa isa’t isa, at sa lahat ng iba pang mga larangan ng gawain sa buhay natin bilang mga tao.”

Sa mga naroon, di lamang parang naririnig nila ang tinig ni Tasyo, parang nakikita na nila siya sa pagpapaliwanag nang buong linaw ay dumadagundong ang buong katawan at nayayanig ang puting buhok, makapal na kilay at mahabang balbas.

“Ang pagsuko at pagpapakasanay na lamang sa pagiging alipin, at pagiging bihag ng hirap at kaapihan ay hindi pagpapakatao. Ang pagbabalak at laluna ang pangangako nang wala namang matatag na pasiyang isakatuparan ang balak o pangako ay hindi pagpapakatao. Ang anumang panlalamáng, panghahamak, pamamahamak, pagmamalupít, pagiging palaasá, pagkakanya-kanyá, at kawalán ng malasakit sa isa’t isá – bawat isa sa mga ito ay taliwas sa pakikipag-kapuwa. Ito ang paglilinaw na kailangang maihatid sa lahat. Isunod agad sa paglalabas ng hamon na tayong lahat ay ganap na mag­pakatao at makipagkapuwa-tao. Hindi man sinasadya, ang kaytagal nang panlalait natin sa sarili nating dangal bilang mga tao ay taliwas sa ating pagpapakatao at kung gayo’y dapat na ganap na nating itigil. Tandaan: ang anumang paglapastangan o pag­mamaliit sa pagkatao ninuman ay paglapastangan o pagmamaliit sa pagkatao ng lahat. Ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan. Sapagkat ayon nga sa isang batambatang pantas na ating kabalat, iisa lamang ang pagkatao ng lahat!

May napabulong nang malakas dahil nagulat sa huling narinig.  “Iisa lang ang pagkatao? Akala ko, magkakadugtong lamang!”

*   *   *


nakaraan   itaas   susunod

 THIS PAGE HAS BEEN VISITED  790  TIMES SINCE IT WAS UPLOADED ON MARCH 26, 2010.