ding reyes books:

TASYÔ NGAYON NA BA ANG BUKAS

SA HABILIN

NG PANTAS?

2009

 


           

 ..

 

MGA BAHAGI:

['Pindutin' ang 'bolang asul.']


Pambungad na Tagpô

Sa Bahay ng Pantas (Batay sa Kabanata 25 ng Noli Me Tangere)


Kabanata 1

Eleganteng Paanyaya


Kabanata 2  

Mag-worry Tayo! 


Kabanata 3

Mahiwagang Kasulatan


Kabanata 4

Pahalagahan ang Katagang... 


Kabanata 5

Kathang-isip 

ang Noli?


Kabanata 6

Ang mga Pinóy Kasi!


Kabanata 7

Walang banô

sa mga Jedi  


Kabanata 8

Teka, baka 

hindi 'Tasyo'! 


Kabanata 9

Nagkaligáw-ligáw 

ng Landás


Kabanata 10

Pressscon ba o Paglilitis?


Kabanata 11

'Ilabas n'yo ang Kwadro!!!'


Kabanata 12

Hiwaga sa Kasimplehan 


Kabanata 13

Anong 'Jury'??? 


Kabanata 14

Susunod pang Henerasyon?? 


Kabanata 15

Kailangan ang Sapat na Dami 


Kabanata 16

Isang paa na lang... 


Kabanata 17

Habilin para sa lahat 


Mga Dagdag


Naunang mga Akda 

ni Ed Aurelio Reyes 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

TASYÒ: NGAYON NA BA ANG BUKAS SA HABILIN NG PANTAS?

 Kabanata 7: 

Walang Banô sa mga Jedi!

Bumuntonghininga si Annie, bago nagpatuloy sa isang mabigat ngunit napakabagal na pagsa­salita…

*   *   *

 I can take that from other people, from foreigners, from unthinking Filipinos, pero bakit sa iyo pang bestfriend ko maririnig yung salitang ‘sila’ to refer to us???”

Matapos sabihin ito nang may tumitinding damdamin, biglang inubos ni Annie ang tubig sa kanyang baso.  Tumayo siya at sumenyas na pupunta sa “Ladies Room, “Excuse me…”

Naiwan sa pagkakaupo si Wilma.  Marahan siyang umiiling-iling.

*   *   *

Mahirap palitan si Roland, ang dati nilang captain ball.  Most valuable player nila iyon.  Kaya nga nanlumo silang lahat nang sinuspinde ng skwela dahil sa pakikipag-away. Top scorer siya, mahusay na guard, mahusay mang-agaw ng bola, at halos 100 percent mula sa free-shot line. Sa rebound lang siya nahihirapan dahil di gaanong matangkad.

Tinungga ng coach ang unang baso, inila­pág ito, at nagsimulang magsalita.

“Unang-una, di ako agree sa kahit pagbibiro lang n’yo kanina, Monchie, na banô kayo.  Kung banô kayo, wala na kayo ngayon sa team!  Tandaan n’yo, walang banô na Jedi! May epekto na rin naman ang pagku-coach ko sa inyo, di ba?   Huwag n’yong kokontrahin ang kakayahan n’yo!  Magkakatotoo ‘yan, sige kayo!“

“Joke lang po talaga, Sir!” sagot ni Monchie.

“Bad joke!  Corny!  Bawal sa harap ko ang ganoon!”

“Sorry, Sir!” dagdag pa ni Edil.

“Okey, huwag na sanang mauulit, even as a joke!”  Now the second thing, at alam kong iyon talaga ang hinihintay n’yo…  Sino ang napiling bagong captain ball natin?  Pero bago pa iyon…”

*   *   *

Bumalik din agad si Annie sa tabi ng kaibigan, na mabilis namang tinanong… 

“Did I upset you, Annie?  Sorry, di ko sinasadya!”

“Wala ‘yon! I really had to go, anyway, marami rin kasi tayong iniinom.”

Naggiit pa si Wilma. “But I did upset you. Di ba? Well, anyway, huwag ka rin naman sanang sobrang emotional about our defects.  We should give credit where credit it due, kasi the Koreans are really good in their love for their country, and we Filipinos do have our defects namang talaga, di ba?”

“Yun! ‘We Filipinos’! ‘Our defects’! Sa pagsabi mong ‘we Filipinos’ okey na ako. Kinikilala mong parte ka ng mga Pilipino, kahit maraming depekto kang nakikita ay okey lang na ilabas mo, with due acknowledgement that you, like me, like all people here... “ tumigil siya, at lumingon sa mga nakapaligid na halos puro Koreano, bago nagpatuloy, “…i mean here in the Philippines, are all part of it.”

*   *   *

Kinuha ng coach ang ikalawang baso at dahan-dahang nilasap ang unang lagok mula rito.  Sinasadya niyang patagalin, sinasadya niyang ang mga naghihintay ng sasabihin pa niya ay bahagya man lamang na mabitin.

“Suspense muna!” sabat ni Edil.

Tawanan ang lahat. May-nerbyos na tawa.

“Bago iyon, may mas importante pang bagay.  Sinumang captain ball ay magtatagumpay lamang o kaya’y papalpak depende sa kapasyahan ng bawat isa sa team na ibigay ang makakaya niya ayon sa mahusay na teamwork.”

Iginala ng coach ang kanyang paningin, at nang tila nakita na ang hinahanap ay nagpatuloy siya.

“At kailangang itanim sa isip ng lahat na kahit ang lahat ng mga team  sa ating liga  ay isang buong team, para sa basketball bilang sport. Magkakalaro tayo, hindi magkakalaban! Doon ka sumabit, di ba, Roland?”

Lumingon ang lahat sa tinukoy na manlalaro. Tahimik na palang pumasok ito sa beerhouse nang marinig ang naunang pangungusap ni Coach Alvarez bilang hudyat sa kanya ng huli. 

“Opo, Sir!”  Salamat po, Sir!  Kumusta kayong lahat!”

Pinalakpakan at pinaupo nila si Roland, at agad inabutan ng isang baso at isang bote. 

“Buti na lang at di kayo nasangkot sa away na iyon na nagbunga ng kanyang suspension sa Universal at pagkakatanggal sa pagiging captain ball… He’ll play with the team again ‘pag natapos na ang suspensyon niya.”

Sinuspinde si Roland nang isang semestre bilang istudyante sa Universal College, pero tinanggal na nang permanente bilang captain ball ng Jedi Skywalkers.

Nagpatuloy ang coach. “Now, can each of you commit to be a good teamplayer, todo-buhos sa kakayahan, pero walang pikunan at anumang samaan ng loob?”

Halos sabay-sabay na tumugon ang lahat at nagpatuloy sa tahimik na pakikinig nang bahagya pa ngang nakayuko. 

*   *   *


nakaraan   itaas   susunod

 THIS PAGE HAS BEEN VISITED  191  TIMES SINCE IT WAS UPLOADED ON MARCH 26, 2010.