TASYÒ:
NGAYON NA BA ANG BUKAS
SA HABILIN NG PANTAS?
Kabanata
2:
Mag-worry
tayo!
Palayo
na si Orly ay lampas-tenga pa rin ang ngiti niya. Tuwang-tuwa na
sa wakas ay sinagot na siya ni Liza na may ilang taon na niyang
minamahal nang matindi.
Ngunit
may pumatong na tanong sa kanyang noo…
“May problema siya? Malaking problema? Di ba dapat
matulungan ko siya?” Sinagot rin niya ang sariling tanong,
“Kailangan pa niyang makakasanayan na
may papel
na
ako mula
ngayon sa
pagharap niya sa mga problema, maliit man o lalo pa nga
kung malaki.”
*
* *
“Kinakabahan
ako, Ma’am Annie! Ano nga kaya ang verdict ng Committee of
Experts, nakakatakot! Sana
kung ako lang ang mapapahiya kung sakali. Naku, pati po kayo,
naisangkot ko! Pati po ang school mismo!” Halos maiyak na siya.
“Wala
tayong ginawang masama. Handa tayong panindigan ‘ito!”
Hinaplos niya sa ulo ang nakayukong si Liza.
At
dahan-dahang ipinaalala sa kanya ang naunang mga naganap. “May
nagpakita sa iyo ng talaga namang napaka-interesting na item,
kinopya mo, sinuri mo, ipinasa mo sa akin, sinuri ko rin para
maintindihan. Tapos humingi tayo ng tulong, at nagkainteres si
Dean Regalado na ituring na big discovery para makapuntos ng
dagdag na publicity ang Universal, hanggang sa lumaki na nang
husto. Wala na sa control natin. Pero, in the first place, wala
naman tayong anumang fantastic claims.”
“Pero
ma’am, nag-schedule na raw ng presscon bukas! Ihaharap tayo.
Doon daw magrereport ang mga
experts. Ni wala nga
sa atin yung original document
dahil di ko nga nahiram. Kinopya ko lang by hand, best effort,
kaya sariling handwriting ko lang ‘yon! Wala man lang kasing
camera ‘tong cell phone ko, eh!”
Tumulo
na ang luha ni Liza. “Paano
kung di maniwala ang press? Pa’no kung di nga naniniwala kahit
ang sarili nating Committee of Experts???”
“Huwag
kang mag-worry, makakahatak ka lang ng negative vibes pag ganyan
ka, eh! Yang mga wino-worry-worry, nagkakatotoo ang mga ‘yan
dahil nga mismo sa pagwoworry! Alam mo ‘yon?
Isipin mo, maganda ang magiging resulta nito. Worrying only
makes us attract… Teka
si Wilma Floresca yata itong papalapit. Talaga palang dumating na
siya. Tahan ka na diyan at…”
Tumitili
ang bagong dating, “Annie! Liza!
Na-miss ko kayo all that time na nandun ako sa Seoul!”
Nagpunas
ng luha si Liza at nakangiting bumati sa bagong datíng. Pero napansin na nito na…
“O
bakit umiiyak yata ang flat-one student ko?
May nangyari ba sa kanya, Annie?”
“Na-miss
namin kayo Ma’am Floresca! Naku, wala pong nangyari, Ma’am! Baka
mangyayari
pa lang bukas…! Bahagya ngunit makabuluhang nagtinginan
ang mga dinatnan.
“Hindi
ko yata masakyan. Parang may sikreto kayo d’yan! Ano ba iyon?”
“Wala,
na-miss ka lang talaga namin. Buti na lang maraming tele-dramang
Koreano sa TV!”
“Ano’ng
akala n’yo, maniniwala ako?
No way! Yung eksena n’yo kanina eh para talagang drama sa
tv, mas mukha lang totoo. Magkukwento kayo ngayon sa akin! Sige,
di ko ilalabas ang mga pasalubong ko sa inyo! At iisipin kong di
n’yo na ako gustong kaibigan!” Tumingin
sa relo. “Tutal,
lagpas alas onse na rin lang, buti pa mag-lunch na tayo d’yan sa
coop canteen. My treat! Then you tell me all about it. Okay?”
*
* *
|