TASYÒ:
NGAYON NA BA ANG BUKAS SA
HABILIN NG PANTAS?
Pambungad na Tagpô:
Sa
Bahay ng Pantas
Batay
sa Kabanata 25 ng Noli
Me Tangere
“Sumusulat
kayo ng heroglifico? At bakit?” gulát na tanong ni
Crisostomo Ibarra kay PilosopongTasyo.
“Upang
huwag mabasa sa panahong ito ang aking mga isinusulat!”
Napatitig
sa kanya si Ibarra at sumagi sa isipan na tila baliw nga ang
matanda. “Bakit kayo sumusulat kung ayaw pala ninyong mabasa ang
inyong isinusulat?”
“Dahil
sa hindi ko inilalaan sa ating mga kapanahon ang aking mga
isinusulat kundi sa ibang panahong darating pa. Kung mababasa ng
ating mga kapanahon ang aking mga isinusulat ay marahil na ang mga
ito’y kanilang sunugin, susunugin lamang ang mga buong buhay
kong hinarap upang gawin. Samantlang sa kabilang dako ay
mauunawaan pala ng susunod pang mga salinlahi ang aking ninanais
maipahayag at masasabi nilang ‘Hindi lahat ay natutulog o
nagtutulug-tulugan sa madalim na gabi ng ating mga ninuno!’ Kapag
halos limot na ang pagbabasa sa sarili nating paraan ng panulat ay
makakaligtas sa apoy ng kamangmangan ang maraming katotohanan na
walang maidudulot kung hindi rin lamang naman mauunawaan.”
“At
sa anong wika kayo sumusulat?” tanong pa ng bisitang binata.
“Sa
wika nating Tagalog, sa tunay na wika ng mga Taga-ilog.”
|