TASYÒ:
NGAYON NA BA ANG BUKAS
SA HABILIN NG PANTAS?
Kabanata
5:
Kathang-isip
ang Noli?
Sa
mga sandaling iyon, may mga kausap din si Dr. Regalado. Nag-iisip
pa lang ng pakana si Dr. Margallo, ginagawa na niya ang mas
mahusay pa—totoong journalists ang mga kausap niya. Sa dulo ng
masinsinang paliwanagan, nagtanong siya sa mga kaharap.
“Maliwanag
na ba? Sa press conference namin bukas, lahat ng mga itatanong
n’yo, pansuporta sa mga sasabihin ko. Ako nang ako ang
mapipilitang sumagot dahil sa akin ninyo itutuon ang lahat ng
inyong mga tanong.”
Saglit
siyang tumawa, bago nagpatuloy. “At kapag isusulat na n’yo ang
mga report na isa-submit n’yo, syempre bida ang ‘skwela namin
at bida syempre… hehehe!... ako!”
“Solb
yan, Sir, madali lang ‘yan! Maníng-maní lang sa ’min ’yan!”
“Pa’no
yan, Sir? Ngayon na ba yung pampagana namin o bukas na?
Sana, ngayon na!
“Huy,
ano ka ba? Baka akalain ni Sir, envelopmental tayo!”
“Oo
nga, bahala na siya d’un, kung bibigyan tayo o hindi!” saway
rin ng isa pang reporter, sabay hingi ng dispensa kay Dr.
Regalado, “Pagpasensyahan n’yo na ‘tong isang ‘to, Sir,
bago pa lang kasi naming kasama ‘to, eh!”
“Ano
bang bukas pa ang kuwan…? Ngayon na! ‘Kala n’yo ba nalimutan
ko? O, heto…” at kinuha niya sa attaché case ang ilang
sobreng puti. “…pampagana n’yo ‘yan! May bonus pa ‘yan
bukas depende sa performance n’yo! O sige, kailangan ko nang
bumalik sa office ko.”
*
* *
Magtatakipsilim
na. Naroon na nama’t magkatabi sa mahinang pag-uusap sina Liza
at Orly sa hardin ng kampus kung saan sila nakita ni Prof. Annie
Aguila noong nagdaang umaga. Katatapos pa lang magkwento ni Liza
sa mga pangyayaring nakapalibot sa mahiwagang mensaheng natuklasan
niya sa Laguna.
“Natatakot
akong masalang sa press conference bukas,
dahil ni
hindi nga
namin hawak
ang manuscript o artifact na ‘yon. Malamang mag-i-imply
sila o baka iduduro pa sa akin na imbento ko lang ‘yon. Pati nga
laman ng mensahe, mahiwaga, eh!”
“Talaga!
Binabanggit ang characters ng isang nobela, na isang work of
fiction!”
“Na
sabi naman ni Rizal, based sa totoong mga pangyayari at totoong
mga tao! At mapapatunayan daw niya ‘yon. Pero siguro naman,
binago niya ang mga pangalan ng mga totoong taong pinagbatayan.
Pero doon sa manuscript, eh…”
“Eh
talaga namang tiyak na inimbento lang ang message na iyan! At
dahil di naman ikaw ang umimbento, at malamang na di rin yung
cousin mo, eh sino? Kailan? At para naman kaya sa anong
purpose???”
Napabuntong-hininga
at sandaling tumahimik si Orly bago nagpatuloy sa pakikisimpatya.
“Ang hirap talaga ng siwasyong napasok n’yo ni Prof. Aguila,
ano? Naiipit kayo sa pagbabanggaan ng malalaking bato dito sa
Universal! At ang wildcard factors dito, yung judgment ng
Committee of Experts, ng National Historical, at ng media people.
Maglalabu-labo na sila bukas. At papaikutan nila ng santambak
na ipu-ipo si 'Darna,' ang love ko, at ang kanyang propesorang si
‘Yoda’!”
Di
kumikibo si Liza. Pero napangiti siya nang mabanggit ang pantas ng
Star Wars.
Nagpatuloy
si Orly. “Ang kailangan bukas sa eksenang ‘yan, isang knight
in shining armor para iligtas ka sa gulo, isang Luke Skywalker…
isang tunay na Jedi… ako!”
“At
ano naman ang magagawa mo?”
Halos
bulong ang sagot ng binata. “Ewan ko… basta gusto kong
makatulong sa ‘yo. Ang problema mo ay problema na natin! Hindi
na kasi ikaw at ako ngayon na magkakanya-kanya pa ng buhay. Tayo
na ngayon, di ba?”
“Ayan
ka na naman! ‘Tayo’ ka na naman ng ‘tayo’, wala ka namang
maisip na maitutulong… hay, nako, tigilan mo muna ang ganyan,
ha! I’ll go through this na lang and… basta, bahala na!”
“Di
ba, pwede naman kitang tulungan man lang
na mag-worry?”
“May
maidudulot bang maganda yun?” Nakangiti si Liza sa pagtatanong
niya.
Pero
di nakita ‘yon ni Orly na tila nagdamdam. Bigla siyang tumayo,
at walang lingun-lingong nagsabi ng “Sige, solohin mo’ng
problema mo! Wala naman pala akong silbi d’yan! Ipapagdasal na
lang kita!”
Sabay
alis.
Hindi
na siya hinabol o tinawag pa ni Liza. Lalo’t nakita niyang
papalapit si Dean Regalado.
“Sir!
Good evening po!”
“Good
evening din! Ano, bukas na tayo haharap sa publiko. Yang press
people, mga proxy yan ng publiko, at madalas eh nagiging cruel
sila sa mga pagtatanong. Pero dapat kang magpakatatag para huwag
maligaw ang usapan. Do it for yourself and the school! Do it for
whoever wrote that message a long time ago. Just narrate how you
found it, sabihin mo yung initial analysis ninyo ni Professor
Aguila, at ako na ang bahala sa iba pang sasabihin. May mga
kakampi naman tayo sa mga reporter na darating, you don’t have
to worry at all.”
“Pero,
Sir…
”Miss
Padilla, nag-usap na tayo nang ilang beses tungkol sa
apprehensions ninyo. No way are we going to back out! Pagkakataon
nang mapatampok
natin ang Universal--, I mean, that message. Maganda ang content
niya, dapat talagang mai-media!”
“Kasi,
Sir, yung hawak lang natin…”
“Enough!”
pagmamatigas ng
dekano,
just make sure that you have the entire manuscript at notes mo sa
pagkakasunud-sunod ng mga nangyari. Trust me!”
*
* *
|